top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nag-boomerang kay Marcos ang hirit na magbayad ng tamang tax ang mga Pinoy

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 9, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Pebrero 9, 2023


DAHIL SA PANAWAGAN NI P-BBM NA MAGBAYAD NG TAX ANG MAMAMAYAN, NAUNGKAT NA NAMAN ANG UTANG NILANG P203-B ESTATE TAX—Kay President Bongbong Marcos nag-boomerang ang panawagan niya sa mamamayan na magbayad ng tamang tax sa pamahalaan.


Dahil sa panawagan niyang ‘yan, naungkat at nabuhay na naman ang isyung P203 billion pagkakautang sa estate tax ng pamilya Marcos. Boom!


Sa totoo lang, hindi naman mananawagan si P-BBM sa publiko na magbayad ng tax sa pamahalaan kung walang nag-advise sa kanya.


At dahil sa palpak na advise na ‘yan, hanggang ngayon ay pinuputakte na naman si P-BBM ng batikos sa social media, na dapat daw bayaran muna ng mga Marcos ang pagkakautang nila sa buwis bago manawagan at obligahin ang mamamayan na magbayad ng tamang tax sa gobyerno, period!


◘◘◘


FAKE NEWS PALA ANG ANNOUNCEMENT NG DA NA MAGIGING MURA NA ANG PER KILO NG SIBUYAS—Fake news pala ang ibinida noon ng Department of Agriculture (DA) na kapag dumating sa bansa ang mga inangkat ng pamahalaan na imported onions, magmumura na raw ang presyo nito sa merkado, kung saan magiging P80 na lang ang per kilo ng sibuyas.


Nasabi nating fake news dahil naglabas na ang pamahalaan ng SRP (suggested retail price) sa presyo ng sibuyas na P125 per kilo at hindi P80 per kilo. Boom!


◘◘◘


SAD ANG NANGYAYARI SA ‘PINAS DAHIL SA MAHAL NA PRESYO NG BILIHIN AT BAYARIN, ANG DAMI PANG JOBLESS—Isang araw matapos ianunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pumalo na sa 8.7 % ang inflation rate sa Pilipinas, inanunsyo rin nito na mula sa dating 4.2% jobless Pinoy, pumalo na ito ngayon sa 4.3%. Ibig sabihin, nasa 2.22 milyong Pilipino ang tambay o walang trabaho sa ‘Pinas.


‘Yan ang nakakalungkot na nangyayari ngayon sa bansa, sobrang mahal na ng presyo ng mga bilihin at bayarin, milyon-milyong Pinoy pa ang jobless. Tsk!


◘◘◘


ANG LIBO-LIBONG ORDINARY WORKERS NG ABS-CBN NA TINANGGALAN NG TRABAHO ANG INAPI, HINDI SI REVILLAME—Naglabas na naman ng himutok si comedian-TV host Willie Revillame na ‘inaapi’ raw siya ng mga kapwa niya nasa showbiz dahil ikinatutuwa pa raw ng mga ito ang balitang mawawala na sa ere ang programa niyang Wowowin sa ALLTV network.


Dapat isalpak ni Revillame sa kanyang kukute na hindi siya inapi o naging api, dahil ang mga inapi ay ang libo-libong ordinary workers ng ABS-CBN na sa gitna ng pandemya ay pinatanggalan ng trabaho ng inaaydul niyang ‘Tatay Digong’ niya na nag-utos sa Kongreso na tanggalan ng prangkisa ang Kapamilya network, period!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page