top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Nag-apply sa pinapasukan ng bff, pahiwatig na sobrang yayaman

  • BULGAR
  • Nov 7, 2022
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | November 7, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gerry ng Caloocan City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasa bahay lang ako at walang ginagawa. Nainip ako, kaya naisip kong mag-apply ng trabaho na babagay sa tinapos kong kurso. Agad-agad akong umalis sa bahay upang mag-apply sa kumpanyang pinapasukan ng best friend ko, at nagkataon na may bakanteng posisyon du’n at bagay na bagay sa tinapos kong kurso.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Gerry



Sa iyo, Gerry,


Maganda ang ipinahihiwatig ng panaginip mo na nasa bahay ka lang at walang magawa dahil ito ay nangangahulugan ng kaligayahan sa iyong kapaligiran, maayos na kalusugan at financial success. Gayundin, ito ay nagpapahiwatig na ikakasal ka na at magkakaroon kayo ng mga gifted children.


Samantala, ang nag-apply ka ng trabaho sa kumpanyang pinapasukan ng best friend mo at nagkataon na may bakanteng posisyon du’n na bagay sa kursong tinapos mo ay nagpapahiwatig ng kasaganaan at kaunlaran sa kasalukuyan mong buhay. Yayaman ka at madadagdagan ang iyong kabuhayan na higit pa sa iyong inaasahan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page