NADIA, TODO-IYAK NA LUMUBOG SA BAHA ANG BAHAY, PATI MGA SASAKYAN, DAMAY

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | November 15, 2020

Traumatic para sa aktres na si Nadia Montenegro ang na-experience niyang baha na dulot ng Bagyong Ulysses. Ang bahay na tinitirhan niya ay pinasok ng tubig dahil nawasak ang pader ng creek sa likuran ng kanilang bahay. Du'n dumaan ang malaking volume ng tubig.
Nabasa at nasira ang mga gamit/appliances at sala set nina Nadia. Pati na ang kanilang dalawang sasakyan ay nalubog din sa baha.
Kaya ganu'n na lang ang iyak at hinagpis ng aktres habang isine-share sa social media ang kanyang karanasan sa baha.
Pati na nga ang kanyang mga anak ay nagkahiwa-hiwalay at nakitira muna sa kanilang ibang kamag-anak at mga kaibigan. Marami rin ang nagpaabot sa kanya ng tulong, pagdamay at dasal.
First time ni Nadia na dumanas na ma-trap sa bahay kaya naging emosyonal siya sa nangyari. Kami nga, Ondoy pa lamang noong 2009 ay 8 ft. na ang taas ng tubig na pumasok sa aming bungalow type na bahay. Nalanos ang mga gamit namin tulad ng TV set, home theater, cameras, videoke machine, fax machine, computer set, sala set, cabinets, atbp..
Grabeng kapal at lagkit ng putik ang iniwan ng baha. Halos isang linggo bago kami nakatapos sa paglilinis at pagliligpit ng mga gamit. Matagal bago ako naka-recover sa trauma sa Bagyong Ondoy.
Kaya tuwing umuulan nang malakas ay hindi ako makatulog sa gabi at umaatake ang nerbiyos. Ang akala ko, hindi na mauulit ang Ondoy. Kaya nang dumating ang Bagyong Ulysses pagkaalis ng Bagyong Rolly na nanalanta sa Kabikulan, unexpected ang panganib. Hindi ito napaghandaan ng marami nating kababayan. Nagmistulang Ondoy Part 2 ang nangyaring baha.
Hindi birong nerbiyos, pagod at stress ang muli naming naranasan. Pero sabi nga sa kanta ni Gary V., "'Di Na Natuto”.
Ayaw na naming umiyak at manisi. Ayaw na naming muling ma-stress. Basta tuloy pa rin ang buhay at patuloy na magpasalamat kay Lord na wala kaming sakit at muling naka-survive sa baha.
Sabi nga ng isang commercial ng kape, "Babangon tayo!"





Comments