top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Nabulgar: Gamit nating asin, imported! buwisit!

BULGAR
Jan 20, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | Enero 20, 2023


HINDI GOV'T. OFFICIALS SINA HARRY ANGPING AT DAWN ZULUETA, KAYA MALI NA GASTUSAN SILA NG GOBYERNO SA MGA FOREIGN TRIPS NI P-BBM—Sa pagtungo ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. sa APEC summit sa Thailand noong Nov. 16, 2022, nabulgar na isinama ni Presidential Management Staff (PMS) Sec. Zenaida Angping ang mister niyang si Harry Angping, na wala namang posisyon sa pamahalaan.


Samantala, sa pagdalo naman ni P-BBM nitong Jan. 16, 2023 sa World Economic Forum (WEF) sa Switzerland, nabulgar na isinama rin ni Special Assistant to the President (SAP) Sec. Antonio Lagdameo ang misis niyang aktres na si Dawn Zulueta-Lagmadeo, na wala namang posisyon sa gobyerno.


Mantakin n'yo, hindi kailangan ang presensya ni Harry Angping sa APEC summit sa Thailand at presensya ni Dawn Zulueta sa WEF sa Switzerland, tapos kasama sila sa ginastusan ng pamahalaan sa mga foreign trips.


◘◘◘


DAPAT IPAGBAWAL NA NI P-BBM NA KARAY-KARAYIN NG MGA GOV'T. OFFICIALS ANG KANILANG MISTER AT MISIS SA FOREIGN TRIPS—Ang mister ni PMS Sec. Zenaida Angping at misis ni SAP Sec. Antonio Lagdameo pa lang ang nabulgar na sumama sa mga foreign trips ng pangulo at maaari na ng iba pang gov't. officials ay may karay-karay din na misis o mister.


Sana ay ipagbawal ni P-BBM sa mga gov't. officials na karay-karayin ang kanilang mister o misis sa mga biyahe sa labas ng bansa para hindi maisip ng mamamayan na bakasyon-grande lang pakay nila.


◘◘◘


PATI ASIN AY INI-IMPORT NA RIN?—Sa pagdinig sa Senado ay inamin ng mga opisyal ng Department of Agriculture, na 93% ng asin na supply sa Pilipinas ay imported.


Hay naku, hindi maitatanggi na may matinding krisis na sa 'Pinas dahil ultimo asin ay ini-import na, kahit archipelagic country ang ating bansa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page