top of page

Nabulgar, friendship over na… KEAN, INISAHAN ANG MGA KAGRUPO SA CALLA LILY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 2, 2022
  • 2 min read

ni Julie Bonifacio - @Winner | December 2, 2022


Nagsalita na ang mga dating kasamahan sa bandang Calla Lily ni Kean Cipriano sa pag-alis nito sa grupo.


Ayon kay Lem Belaro, ang drummer at chief songwriter ng Calla Lily, nabuo ang grupo nila nina Kean 17 years ago.


“Then after pandemic, nag-e-mail si Kean (Cipriano) na parang gusto niya nang i-hang ‘yung jersey as Calla Lily. Parang hindi na raw “yata” naggo-grow? Hindi ko matandaan ‘yung exact word, pero parang gusto niya ng growth,” simula ni Lem.


Nag-reply sila kay Kean at tinanggap ang naging desisyon nito.


“Sabi ko, ‘Okay. We’ll just take your decision. Pero itutuloy namin ‘yung banda as Calla Lily.'


Then, doon namin nalaman na nasa kanya pala ‘yung trademark ng Calla Lily. Okay lang naman.


‘Di ba, legally tama siya? Legally.


“Pero ang problem kasi is matagal na niyang hindi sinasabi sa amin na ini-register niyang mag-isa ‘yung name.


“Ang dami na naming pinagdaanan, ang dami na naming pinaghirapan — dugo’t pawis. Para rin sa band, nag-release ako ng maraming kanta for the band. Then, nalaman namin na na-register na pala,” pahayag ni Lem.


Sabi raw ni Kean, hindi nakipag-usap sina Lem sa kanya. Pero ang alam ni Lem, na-cancel lang ang pag-uusap nila.


Emote pa ni Lem, “Pero medyo masama talaga ang loob namin, talaga. Kasi imagine, for 17 years, saka mo sasabihin na, ‘Uy, nasa akin ‘yung pangalan, na akin ‘yung Calla Lily. Kung gusto ninyong gamitin, bayaran ninyo ako ng license. Ila-license n’yo sa akin.’ Uh, nasa internet naman ‘to. Makikita naman ninyo sa mga interviews n’ya.”


Para maka-move on, nagsulat si Lem ng mga kanta at isa roon ay based sa friendship ng banda with Kean.


At ngayon, intact pa rin ang pinaka-“core” ng dati nilang banda dala ang bagong pangalan bilang “Lily.” Kasabay ng bagong pangalan ng banda, nagpa-audition din sila ng bagong bokalista, si Joshua Bulot.


Kaya nagbabalik ang award-winning Original Pinoy Music (OPM) band na Lily sa concert scene nang live, ha?


In partnership with Lx2 Entertainment, a global entertainment company, may concert ang Lily bukas, December 3, sa Music Museum sa San Juan, Metro Manila.


Ang title ng concert ay Magbalik Take-Off sa direksiyon ni Marvin Caldito.


“The boys have been waiting for this moment to go back to the stage and just continue doing what they love most. And we, at Lx2 Entertainment, are more than pleased that they get to do the best performances of their lives yet with us,” lahad ni Loie Magan, Lx2 Entertainment’s Chief Executive Officer and founder.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page