top of page

Nababoy na pirma, repleksyon ng magulong buhay

  • BULGAR
  • Aug 28, 2022
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | August 28, 2022




KATANUNGAN

  1. Hiwalay ako sa asawa, apat na taon na ang nakakaraan at mula noon, nagka-boyfriend ako, pero hindi rin kami nagtagal. Sa ngayon, single ako dahil maingat na maingat na ako. Iniisip ko kasing baka mag-boyfriend ulit ako at pagkatapos ay hindi ko na naman makatuluyan, kapag ganu’n, parang binababoy ko lang ang sarili ko.

  2. Gusto ko, kapag nagka-boyfriend ulit ako, siya na ang panghabambuhay kong makakasama. Kaya naman sa edad kong 37, alam kong hindi na ako bumabata, pero parang walang nangyayari sa buhay ko kung hindi ako magkakaroon ng isang maayos na pamilya.

  3. Matutupad pa ba ang simpleng pangarap kong ito na magkaroon ng simple pero masayang pamilya, kung oo, kailan ito mangyayari?

KASAGUTAN

  1. Alelie, kapansin-pansin na may ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, na nangangahulugang may ikalawang pag-aasawa o pakikipagrelasyon pang darating sa iyong buhay at dahil higit na malinaw at makapal ang pangalawang Marriage Line na ito (arrow a.) kung ikukumpara sa maikli at manipis na unang Marriage Line (1-M arrow b.). Ito ay nagpapatunay na sa ikalawang pakikipagrelasyon, mas magiging maligaya ka at posibleng maging panghabambuhay na.

  2. Ang problema lang, ang magulo at nababoy mong lagda, na kung hindi mo babaguhin, posibleng kahit makapag-asawa ka muli, magiging magulo rin ang kauuwiang relasyon. Dahil sa kasalukuyan, magulo ang unconscious mong pagkatao na nagre-reflect sa iyong pirma. Kaya bago ka maghanap ng bagong boyfriend o asawa, ayusin at pagandahin mo muna ang iyong lagda.

  3. Madali lang baguhin at pagandahin ang lagda mo kung hindi mo ito bababuyin. Magagawa mo ‘yan kung hindi mo na ibabalikwas patungong kaliwa ang pinakapaa ng letrang “a”. Sa halip, tapusin ang pinakapaa ng letrang “a” sa pamamagitan ng tuwid o straight line patungo sa direksyong kanan. Sa ganyang simple at maayos na lagda, magkakaroon ka rin ng simple, maayos at maligayang pagpapamilya.

DAPAT GAWIN

Habang, ayon sa iyong mga datos, Alelie, baguhin mo muna ang iyong lagda. Ayusin at pagandahin mo ‘yan at sa sandaling nagawa mo, tiyak ang magaganap, ayon sa iyong Love Calendar, sa susunod na taong 2023 at sa edad mong 38 pataas, hindi pa huli ang lahat — may lalaking nagtataglay ng zodiac sign na Taurus ang muling darating na makakasama mo sa pagbuo at pagtatayo ng mas maligaya at panghabambuhay na pamilya.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page