Na-trauma raw… ATAK, IBINULGAR NA INABUSO NG PINSAN NU'NG 6-ANYOS LANG
- BULGAR
- Jul 22, 2022
- 2 min read
Updated: Jul 23, 2022
ni Julie Bonifacio - @Winner | July 22, 2022

Relate much ang komedyanteng si Atak Arana sa mga batang nakaranas ng pang-aabuso na nasa ilalim ng pangangalaga ng AMG Bahay Silungan, Inc..
“Kakaiba ‘to. Hindi na pinag-usapan ang TF dito. Ito ‘yung puso mo kapag nakita mo sila, mabe-blessed ka. Kasi, biruin mo ‘yun, sa dami ng pinagdaanan nila, naka-smile pa rin sila,” pahayag ni Atak nu’ng makausap namin siya after his song number para sa mga biktima ng child abuse sa Bahay Silungan.
Kaya isa raw ito sa mga nagbibigay ng good vibes sa kanya at nagpa-realize na huwag sumuko kahit anuman ang problemang pinagdaraanan natin.
“So, ang partisipasyon ko as an artist, as a performer, ‘yung mabigyan sila ng isa o dalawang (song) number. Para sa akin, iba-value ko talaga at hindi ko malilimutan ‘to," emosyonal na sabi ni Atak.
Katunayan, hindi raw napigilan ni Atak ang maluha during his performance.
Inamin ni Atak sa amin na siya rin ay nakaranas ng sexual abuse sa edad na anim sa mismong kamag-anak niya.
“Itong cousin ko kasi, malamig ang panahon. Hahaha! Although, nagkaroon ako ng ganu'ng experience, iba-iba naman kasi tayo kung paano mag-handle ng ating mga nararanasan.”
At sa tanong kung nasaan na ang taong nang-abuso sa kanya noon, “Naku, hinahanap ko nga ‘yung cousin ko, bakit isang beses lang? Hahaha!” pagbibiro na lang ni Atak.
May anim na anak na raw ang pinsan niya nu’ng nakita niyang muli pag-uwi niya sa probinsiya.
“Totoo ‘yung trauma, ha? Pero kaso, naka-destined ako na pumunta ng Maynila. At sana, dati pa, marunong akong mag-handle ng problema.”
Hindi raw siya nagpadala sa depresyon, bagkus ay lumaban siya sa buhay kaya narating ang nais niyang marating.
Mahilig daw kasi siyang makinig ng drama sa radyo nu’ng nasa probinsiya si Atak.
Ginagaya at inaakting daw niya ‘yung mga drama, kaya sanay na siya sa pain.
Sa pagpunta ni Atak sa Bahay Silungan mula sa imbitasyon ng Asia’s Golden Icon Awards sa pangunguna ni Dr. Ronnel Ybañez, may natutunan siya tungkol sa child abuse.
“Isang uri rin pala ng abuse ay ‘yung neglect,” bulalas ni Atak.
Si Dr. Ybañez ay nagtapos ng Doctor of Philosophy. He’s also a multi-awarded businessman na nakatanggap ng prestigious awards like Empowered Man of Excellence in Real Estate Business in Viral Awards 2022 and Multi-Awarded Real Estate Broker of the Year in the 5th Luminaire Awards last March.
Comments