top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Musical form tourney, 31st SEAG, AIMAG at ASIAD plano ng kickboxing

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 7, 2020
  • 3 min read

ni Gerard Arce / Anthony Servinio - @Sports | October 7, 2020




Maraming mga kaganapang unang beses na mangyayari para sa sport ng Kickboxing sa pangkasalukuyang at sa mga darating na taon, oras na malagpasan ng mundo ang pananalasa ng coronavirus disease (Covid-19) pandemic.

Una sa listahan ng Samahang Kickboxing ng Pilipinas (SKP) ang pagsasagawa ng online Musical Forms tournament sa bansa na nakatakdang simulan sa Nobyembre 9-13 na katatampukan ng pinakamagagaling na martial artists mula sa Kickboxing, Karate at Taekwondo na may pagkakahalintulad sa Poomsae at Kata forms na ipamamalas ang techniques at skills sa dalawang klase ng estilo.

Tututukan ng mga sasali sa online competition ang dalawang events na Hard Style Forms at Creative Forms, kung saan binibigyan ang bawat grupo ng 1-3 minuto upang ipakita ang kanilang iba’t ibang techniques na sumasabay sa indayog ng musikang mapipili ng grupong aabot sa 5 katao. Kinakailangang mailabas ng mga ito ang artistic style o showmanship ng grupo na nagpapakita ng magandang choreography at synchronization ng mga galaw, samantalang hindi naman kakailanganin ng musika at gymnastics movements ang sa creative forms.

We’re doing this very first online musical forms in the Philippines to relate it in the sport and to attract some martial artists in this kind of event. We introduce this kind of event, on certain individuals that can show sportsmanship through showmanship,” pahayag ni SKP secretary-general Atty. Wharton Chan, Martes ng umaga sa lingguhang PSA Forum sa online-virtual session kasama si Noriel Acquisio, chairman ng Mat competition.

Ayon kay Acquisio, inaasahang aabot halos sa 30-60 o higit pa ang mga kalahok na sasali sa competition na bubuksan sa Younger Cadets 10-12, Older cadets 13-15, Junior Cadets 16-18 at Senior category 19-40 para sa men at women’s division.

It’s open for all and everyone are free to join. Kahit anong klase ng music, ang importante ay sumasabay sa kilos o galaw, basta hindi edited ang videos, khhit ilang beses silang mag-ulit and send it to our email or website. There will be national judges for different events and assure everyone that it will be fair judging,” wika ni Acquisio, na hinikayat ang lahat na patuloy na mag-register sa kanilang official Facebook page.

Ang mga magtatagumpay sa naturang torneo ay maaaring mabigyan ng pagkakataon na mapabilang sa kanilang best-of-the-best tryouts sa Mayo sa susunod na taon para maging parte ng kanilang National Team na lalahok sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

Inihayag ni Chan na nakikita niyang mapapabilang ang ilang Musical Form events sa Vietnam Games dahil nakatuon ang atensyon ng host country sa mga combat sports, kung saan napagwagian nito ang overall title sa nakalipas na 2019 SEAG sa bansa sa pamamagitan ng 4 golds at 2 bronze, habang pumangalawa ang Pilipinas sa 3-2-1 gold-silver-bronze medals sa pangunguna nina Jerry Olsim (men’s 69kgs Kick Light), Gina Iniong (women’s 55kgs Kick Light at Jean Claude Saclag (men’s 63.5 Low Kick).

We want to stay competitive, that’s why we’re holding tryouts next year para hindi imaging complacent ang ating athletes at baka may mas magaling pa sa kanila. So, we can consider those who’re going to win in this tournament and be part of our Best-of-the-Best tryouts next year,” saad ni Chan, na naghahanda ang koponan sa darating na SEA Games, Asian Indoor and Martial Arts Games sa Mayo 21-30 sa Bangkok at Chonburi, Thailand, at 2021 World Kickboxing Championship sa Antaya, Turkey.

Inamin rin ng sports official na may posibilidad na mapasama ang Kickboxing sa 2022 Hangzhou Asian Games sa Zheijang, China kung saan unang beses na mapapasama ito kasunod ng matagumpay na paglahok sa 2017 AIMAG sa Ashgabat, Turkmenistan.

According to our Asian Federation, I was told na masasama ang Kickboxing sa 2022 Asian Games. Ang laki ng chance na makasama tayo doon dahil matagal na tayong naglo-lobby sa Asian Game,” paliwanag ni Chan, na malaki umano ang naibibigay na tulong at suporta ni SKP President na si Sen. Francis Tolentino sa pagtataguyod at pagpapa-unlad ng kanilang pampalakasan.

Prior to pandemic, gusto ni Sen. Tolentino na magkaroon ng kickboxing sa public schools. May funds na rin sana sa DepEd (Department of Education) na maisama sana sa Batang Pinoy at Palarong Pambansa. He wants to develop the sports sa ating grassroots level para lalo pang maparami at mapaunlad ang sports sa kabataan.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page