Search
  • BULGAR

Mural ni NBA G-League bound Sotto, iginuhit sa Batangas

ni Anthony Servinio - @Sports | June 24, 2020




Bago niya ituloy ang kanyang lakbay paakyat sa NBA, pinangaralan si Kai Zachary Sotto ng kanyang kaibigan at masugid na tagahanga na si rapper Mike Swift. Pinaayos ni Swift ang sementadong basketball court sa kanyang inang bayan na Barangay Hugom sa San Juan, Batangas bilang pagpupugay sa binata na nakatakdang maglaro sa susunod na NBA G League.


Makikita sa sahig ng court ang larawang guhit ng 7’2” na si Sotto. Malapit ito sa dalampasigan at kilala ang lugar sa mga beach resort na matatagpuan doon.


Inabot ng tatlong araw bago matapos ang pintura at mga guhit ni Sotto. Matagal nang adbokasiya ni Swift ang mag-ayos at magpaganda ng mga court sa Pilipinas kaya siya ay nabansagang “Mister Pinoy Hoops”.


“Para sa lahat ng kanyang pagsisikap at trabaho, gusto ko lang ipaabot kay Kai ang aking suporta,” wika ni Swift. “Naniniwala talaga ako na siya ang magiging unang Filipino na pinanganak at lumaki sa Pilipinas na makakapasok sa NBA.”


Kasama rin sa mga plano ni Swift sa hinaharap ang pagsulat ng kanta o rap para kay Sotto. Gaya ng maraming kabataan na ka-edad niya, mahilig si Sotto sa Battle Rap kung hindi siya abala sa Basketball.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.