top of page

Multo, paalala na laging bantayan ang bunsong anak

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Sep 11, 2021
  • 1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | September 11, 2021



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Teresa ng Romblon.


Dear Maestra,

Ako ay isang certified housewife at may dalawa na akong anak.

Nanaginip ang bunso ko na nakakita siya ng multo, natakot daw siya pero biglang may dumating na angel. Nagliwanag na parang sikat ng araw ang paligid, tapos natakot ‘yung multo at nagmamadaling lumabas sa bintana. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ng anak kong ito?


Naghihintay,

Teresa


Sa iyo, Teresa,

Maganda ang ibig sabihin ng angel sa panaginip ng iyong anak dahil ito ay nangangahulugan na palagi siyang ligtas sa anumang panganib at kapahamakan. May guardian angel siya na nagbabantay sa kanya.


‘Yung liwanag na nakita niya na kasing liwanag ng sikat ng araw, ang ibig sabihin nito ay masasayang events o celebrations sa pamilya ninyo. Nagpapahiwatig din ito na lalo ka pang mamahalin ng asawa mo at ang mga pangarap mo para sa bunso ninyong anak ay ganap na matutupad.


Samantala, ‘yung multo na nakita niya sa panaginip ay nagpapahiwatig na kailangan ay palagi mong subaybayan ang bunso mong anak. Magkipag-bonding ka sa kanya most of the time at ipamalas kung gaano mo siya kamahal. Kung nagsalita ‘yung multo sa panaginip ng anak mo, dapat mong bigyang-atensiyon ang sinabi nito dahil may importanteng mensahe na nakapaloob dito. Kaya huwag kang mag-aksaya ng panahon, tanungin mo ang bunso mong anak kung nagsalita ba ‘yung multo at kung oo, alamin mo kung ano ang sinabi nito.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page