top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Muling pag-a-abroad, magiging matagumpay, makakarating din sa iba pang mga bansa

BULGAR
Dec 28, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Numero | December 28, 2022

Dear Maestro,


Dati na akong nagtrabaho sa Saudi, pero ang problema ay hindi ako pinalad na makatapos ng kontrata dahil masama ang ugali ng amo ko at madalas akong maltratuhin nito. Sa ngayon, nag-a-apply naman ako sa Singapore at nag-aayos na ng mga papeles.


Naisipan kong sumangguni sa inyo, Maestro, dahil nais kong malaman kung susuwertehin na ba akong matuloy sa Singapore sa taong 2023? December 28, 1990 ang birthday ko.


Umaasa,

Jhoy ng San Pedro, Mabini, Pangasinan

Dear Jhoy,


Ayon sa birthday mong 28 o 1 (ang 28 ay 2+8=10/ 1+0=1), sa destiny number mong 5 (12+28+1990=2030/ 20+30=50/ 5+0=50) at sa zodiac sign na Capricorn, tunay ngang maraming tiisin ka munang pagdadaanan. Pagkatapos ng mga tiising ito sa iba’t ibang panig ng mundo, sa bandang huli, ikaw ay makakapagnegosyo hanggang sa tuloy-tuloy na yumaman.


Kaya kung ngayon ay sa Singapore ka nag-a-apply, ito ay tanda na muli kang makakapag-abroad at ihanda mo na rin ang iyong sarili sa maraming tiisin. Subalit kapag tiniis mo nang tiniis ang mga pagsubok, sa bandang huli, walang duda na uunlad, yayaman at susuwertehin ka.


Nangyaring ganu’n dahil tulad ng nasabi na, ayon sa iyong birth date at zodiac sign, ang lugar na iyong mapupuntahan, bukod sa Singapore, ikaw din ay higit na magiging mapalad kung ikaw ay makakapunta sa Europe, Canada o sa isang bansa na nasa itaas na bahagi ng mundo.


Sa nasabing mga bansa, susuwertehin ka at magkakaroon ng mas maalwan at masaganang kapalaran. Habang bilang second option, puwede rin ang mga lugar o bansa na sakop ng South East Asia, tulad ng mga bansang malapit sa Pilipinas.


Habang, ayon sa iyong Travel Calendar, Jhoy, sa pagpasok ng taong 2023, tiyak ang magaganap — sa edad mong 33 pataas, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa na itatala sa iyong kapalaran sa bansang Singapore. Pagkatapos naman nito, mga tatlo hanggang limang taon pa ang lilipas, sa 2028, sa edad mong 38 pataas at sa bandang Canada, may isa pang mas mabunga at mapalad na pangingibang-bansa sa iyong karanasan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page