top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mula sa pagsirit ng inflation rate at bilang ng mga tambay…‘Pinas, puro bad news na lang?!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 11, 2023
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | March 11, 2023



BAD NEWS SA ‘PINAS, KUNDI PAGSIRIT NG INFLATION RATE, DUMADAMI ANG MGA JOBLESS PINOY—Mula sa dating 2.22 milyong jobless Pinoy noong Disyembre 2022, inanunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) na pumalo na sa higit 2.37 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho nito lamang Enero 2023.


Hay naku, kailan kaya magkakaroon ng good news sa Pilipinas kasi puro bad news, kung hindi tumaas ang inflation rate, ay milyun-milyong Pinoy naman ang nababalitang nawawalan ng trabaho. Tsk!


◘◘◘


TULDUKAN O ‘WAG NANG ITULOY ANG JEEPNEY AT UV EXPRESS PHASEOUT PARA ‘DI MADAGDAGAN JOBLESS SA ‘PINAS—Kung wala ring maibibigay na trabaho ang Marcos administration sa mamamayan, ang pinakamainam na gawin ng gobyerno ay huwag nang dagdagan ang bilang ng mga jobless sa bansa.


Ang nais nating ipunto dito ay tuldukan na ng gobyerno ang plano nilang phaseout sa mga traditional jeepneys at UV express nationwide. Kapag itinuloy kasi nila ang phaseout, tiyak ‘yung 2.37-M jobless Pinoy na inanunsyo ng PSA ay madaragdagan pa dahil maraming jeepney at UV express drivers and operators ang mawawalan ng hanapbuhay, period!


◘◘◘


KUNG NAIS NG GOBYERNO NA MATIGIL ANG KALAKARAN NG DROGA SA ‘PINAS, LAHAT NG SMUGGLER AY IPAKULONG—Hindi na natigil ang problema ng droga sa bansa at kahit noong naglunsad ng bloody drug war si ex-P-Duterte ay hindi rin nasawata ang droga sa ‘Pinas.


Kaya kung nais talaga ng gobyerno na matigil ang kalakaran ng droga sa Pilipinas, ang dapat gawin ng Marcos administration ay utusan ang Customs na dakpin at kasuhan ang lahat ng smuggler sa bansa para makulong dahil baka hindi lang smuggled products ang ipinupuslit nila kundi pati mga illegal drugs. Boom!


◘◘◘


PAGIGING MADALDAL NI CONG. TEVES SA KONGRESO, BAKA MATIGIL KASI MABIBILIBID NA?—Itinuga ng mga hired killers na si Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves daw ang nag-utos sa kanila para patayin si Gov. Roel Degamo.


Isa si Cong. Teves sa mga kongresistang madaldal sa Kongreso at ngayong nabulgar na siya ang nag-utos sa pagpatay kay Gov. Degamo, tiyak matitigil na ang kangangakngak niya sa House of Representatives dahil kapag nagpalabas ng warrant of arrest ay hindi na siya makakatuntong sa Kongreso dahil tiyak sa bilibid na ang bagsak niya, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page