top of page
Brenda Mage - FB.jpg

Mula sa kasalukuyang P1,000... Bayad sa inosenteng nakulong, itaas sa P10K kada buwan

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
1 min read

ni Mervin Reyes @News | November 28, 2026



Gerville Jinky Luistro - House of Representative

Photo: File / HOR



Isinusulong sa Kongreso ang pagtataas ng kompensasyon para sa mga indibidwal na nakaranas ng maling pagkakakulong o wrongful imprisonment, na suportado rin ng Board of Claims.


Sa pagdinig ng House Committee on Justice, sinabi ng Board of Claims na nais nitong itaas sa P10,000 kada buwan ang kompensasyon para sa mga biktima, mula sa kasalukuyang P1,000. Iminungkahi rin nitong itaas sa P300,000 ang maximum compensation mula sa kasalukuyang P60,000.


Anim na panukala ang tinalakay ng komite, kabilang ang House Bill 2337 na inihain ni Batangas Rep. Gerville Luistro. Layunin nitong amyendahan ang Republic Act 7309 o ang batas na lumikha sa Board of Claims sa ilalim ng Department of Justice.


Sa panukala ni Luistro, itataas sa P5,000 kada buwan ang kompensasyon sa mga maling nakulong, ngunit hindi lalampas sa P300,000 ang kabuuang matatanggap ng bawat biktima.


Iminungkahi rin ni Luistro na itaas sa P50,000 mula sa kasalukuyang P10,000 ang reimbursement para sa gastusin sa pagpapagamot, pagpapaospital at nawalang kita ng mga biktima.


Saklaw din ng mga panukalang tinalakay ang pagbibigay ng kompensasyon sa mga biktima ng mararahas na krimen gaya ng panggagahasa, homicide, murder, kidnapping, human trafficking at online sexual abuse.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page