top of page

Mula Nob. 29-Dis. 1... Nat’l vaxx drive, posibleng ideklarang non-working days — Malacañang

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 11, 2021
  • 1 min read

ni Lolet Abania | November 11, 2021



Maaaring ideklara ang isasagawang 3-day national vaccination drive kontra-COVID-19 na nakatakda mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1 bilang non-working days, ayon sa Malacañang ngayong Huwebes.


“Inaasikaso po kung ano ang magiging desisyon ng Presidente diyan,” saad ni Presidential Spokesperson Harry Roque na aniya, para madaling makalabas ang mga tao at makapagpabakuna ng COVID-19 vaccine.


“Let us wait for the EO,” ani Roque nang tanungin sa iba pang detalye at kung papayagan ang mga walk-ins sa mga nakalaang vaccination centers.


Ang 3-day vaccination drive ay isasagawa nationwide, na may mga target na bilang na mga indibidwal na babakunahan kada rehiyon, maliban sa National Capital Region (NCR), kung saan ang COVID-19 vaccination coverage ay mahigit sa 80%.


Ayon kay Dr. Kezia Rosario ng National Vaccination Operation Center (NVOC), magtatalaga sila sa naturang aktibidad ng tinatayang 33,000 teams ng vaccinators na mayroong 170,000 health workers.


Sa 3-araw na programa, plano ng gobyerno na makapagbakuna ng 15 milyong indibidwal, kung saan ang pinakamataas na target na kanilang inilaan ay 2.2 milyon para sa Calabarzon; sinundan ng 1.5 milyon sa Region 3; 1.3 milyon sa Region 7; 1.2 milyon sa Region 6 at 1.1 milyon sa Region 5.


Sa ngayon, umabot na sa 30.4 milyong Pilipino ang fully vaccinated kontra-COVID-19, malayo pa rin ito sa 80% target mula sa 109 milyong populasyon ng bansa na mabakunahan kontra-COVID-19 bago ang Mayo 9, 2022 elections.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page