Mukha, maga sa mga suntok ni Ugas… SIGAW NG NETIZENS: JINKEE, PATIGILIN NA SI PACQUIAO
- BULGAR
- Aug 25, 2021
- 1 min read
BAGO PA MAGING BALDADO.
ni Nitz Miralles - @Bida | August 25, 2021

Ang heartwarming ng larawan nina Sen. Manny Pacquiao at asawang si Jinkee after the fight. Magkatabi ang mag-asawa, natutulog si Manny na ang ulo ay nasa balikat ni Jinkee. Halata pa ang pamamaga ng mukha, lalo na sa may eye area ni Manny dahil sa suntok ni Yordenis Ugas.
Ang caption ng post: “Your best friend should be your spouse” na lalong nagpa-heartwarming sa larawan.
May mga nag-comment na sana, payuhan ni Jinkee si Manny na tumigil na sa pagboboksing at isipin ang kanyang kalusugan. ‘Wag na raw hintayin ni Manny na maging baldado pa siya bago tumigil sa boksing.








Comments