top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

MTRCB Chair Lala Sotto, sapul sa It's Showtime vs. E.A.T ng ama at tiyuhin

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 4, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | August 4, 2023


OKEY LANG MAGKAROON NG NAKAKALULANG CONFIDENTIAL FUND SI P-BBM KUNG MAY KAAKIBAT NA RESIBO SA PAGGASTA NIYA SA PONDONG ITO, ANG MASAKLAP, WALA! -- Ngayong year 2023, ang confidential fund ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ay nakakalulang P4.5 billion, at next year (2024) ang gusto niyang mapunta sa kanyang confidential fund ay mas nakakalulang P9.2 billion.


Okey lang na magkaroon siya ng ganyan kalaking mga confidential fund kung may kaakibat na resibo ang paggasta niya sa perang ito ng bayan, ang problem ay wala siyang ibinibigay na resibo sa Commission on Audit (COA) kaya’t hindi nalalaman ng mamamayan kung saan niya ginagasta at inuubos ang kanyang confidential fund, tsk!


◘◘◘


NAKAKALULANG CONFIDENTIAL FUND NI VP SARA AT PORK BARREL FUNDS NG MGA SEN. AT CONG. ASAHAN NA NEXT YEAR -- Dahil ubod nang laki ang inihirit na confidential fund ni P-BBM para sa year 2024, tiyak hindi papayag si Vice Pres. Sara Duterte-Carpio na maliit lang ang mapuntang confidential fund sa kanya, at siyempre hindi rin papayag ang mga pro-Marcos-Duterte senators and congressmen na maliit lang din ang mapunta sa kanilang pork barrel.


At dahil d'yan, asahan nang nakakalulang confidential fund ang mapupunta kay VP Sara at magkakaroon din ng nakakalulang pork barrel funds ang mga senator at congressman, boom!


◘◘◘


‘NGANGA’ LANG SA RAKET NA STL-BOOKIES SI PASIG CITY MAYOR VICO SOTTO -- Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang operasyon ng raket na STL-bookies nina “Kits” at “Egay” sa Pasig City.


Bilang alkalde ay may “K” o karapatan si Mayor Vico Sotto na ipatigil ang operasyon ng mga gambling lords na nangraraket sa kanyang mga kababayan. Pero ang masaklap, “nganga” lang siya sa “STL-bookies” nina “Kits” at “Egay” sa kanyang nasasakupan, period!


◘◘◘


HINDI KAYA PINEPERSONAL LANG NI MTRCB CHAIRMAN LALA SOTTO ANG ‘IT’S SHOWTIME’ KASI MAY PAGKAKATAON NA TINATALO NITO SA RATING ANG ‘E.A.T’ NG TATAY NIYA AT TITO NIYA? -- Bukod sa pagiging TV host, komedyante rin si Vice Ganda, at ang kanyang karelasyon na si Ion ay lumilinya na rin sa pagpapatawa, kaya’t ‘yung pagtikim nila ng icing ng cake na gamit ang daliri sa harap ng mga bata ay parte ng kanilang pagpapatawa sa variety show sa telebisyon na “It’s Showtime,” pero may mga nagreklamo raw at nalaswaan sa segment na ito kung kaya’t isinubpoena ni Chairman Lala Sotto ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang producer ng variety show para kuwestyunin tungkol sa isyung ito.


Hindi kaya pinepersonal lang at gustong gipitin ni Chairman Lala ang “It's Showtime” kasi mula nang mapunta sa GTV ng GMA Network ito (It’s Showtime) ay may pagkakataon na tinatalo nito sa rating ang variety show na “E.A.T” kung saan ang kabilang sa mga host nito ay ang daddy niyang si Tito Sotto at tiyuhing si Vic Sotto?


Boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page