MRT-3, tigil-operasyon sa Oct. 31-Nov. 2

ni Lolet Abania | October 22, 2020

Nakatakdang isuspinde ang operasyon ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) simula October 31 hanggang November 2, ayon sa pamunuan ng kumpanya.
Sa inilabas na advisory ng MRT-3, tatlong araw na pansamantalang tigil-operasyon ang mga tren at istasyon dahil sa isasagawang maintenance at rehabilitation nito.
“Ang temporary shutdown ay ipatutupad upang magbigay-daan sa gagawing bushing replacement sa depot at turnout activity sa Taft Avenue station ng Sumitomo-MHI-TESP,” ayon sa advisory ng MRT-3.
“Parte ng gagawing bushing replacement ng 34.5-kilovolt alternating current (kV AC) switch gear ay ang pagsasayos ng bus tie na nagbibigay ng supply ng kuryente sa depot mula sa Meralco power source nito sa Balintawak at Diliman, at pagkukumpuni ng isang panel na mayroong 12 bushing unit,” dagdag pa ng pamunuan ng tren.





Comments