top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mr. Tonglektor ng Custom na sobrang gahaman...

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 4, 2020
  • 2 min read

overtime pay ng mga opisyal, hinihingan ng komisyon at work from home na nga ang peg, tuloy pa rin ang raket!

ni Chit Luna - @Yari Ka! | August 4, 2020



Nasakote ng Bureau of Customs (BOC)-Manila International Container Port (MICP) ang pitong container na naglalaman ng smuggled cigarette ng isang bigtime smuggler sa bansa na si alyas Mr. Tsekwa.


Ayon sa ulat, ang shipment ni Mr. Tsekwa ay naglalaman ng towels, school bags, bed sheets, non-woven bags at fabrics ay nagmula pa sa China. Ngunit nang isagawa ang physical examination, bistado ang Tsekwa.


Nakapaloob sa shipment ang tinatayang 6,249 master cases ang mga sigarilyong Moon, Mighty, Marvel at D&B Cigarettes na nagkakahalaga ng tumataginting na P219-M!


Ngunit sino nga ba si Mr. Tsekwa? Hmmm… Kilalang-kilala raw siya sa mundo ng mga smuggler dahil isa ito sa mga “untouchable”. Sinetch?!


****


Bilib din naman tayo sa isang pastor na tonglektor.


Galit na galit sa opisyal ang mga empleyado at ang dahilan? Ultimo overtime ng mga kawani ay hinihingan pa ng komisyon ng masibang ito.


Anila ay kakarampot na nga lang ang kita ay binabawasan pa. Hindi na naawa, talagang masiba!


Bukod dito ay nagrereklamo rin ang Duty Free Philippines at ang dahilan? Panay ang hingi sa kanila ni Mr. Tonglektor ng mga mamahaling alak at kung anu-ano pa.


At dahil sa lakas nitong kumita, palagi siyang nagbibiyahe sa iba’t ibang bansa.


Bukod pa riyan, nakakuha pa siya ng mamahaling Harley Davidson na motorsiklo! Huwaaaw!


Hindi matatawaran ang kanyang mamahaling sasakyan. Ikaw kaya ang maging masiba?


Sa kasalukuyan, palagi raw absent si Mr. Tonglektor dahil takot siyang mahawahan ng COVID-19.


Pero kahit work from home ang peg niya, aba, patuloy pa rin ang kanyang raket kung saan may itinalaga siyang mangolekta para sa kanya. Ibang klase talaga ‘pag gahaman, walang virus-virus!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page