top of page
SHEET - REKLAMO SA MTRCB VS. PBB, UMABOT NA SA 2,600_FB Ogie Diaz.jpeg

Motor sumalpok sa SUV, magkaangkas utas

Writer: BULGAR
BULGAR
18 hours ago
1 min read

by Mai Ancheta @News | November 26, 2026



Motor sumalpok sa SUV, magkaangkas utas

Photo: File



Nasawi ang dalawang katao makaraang sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa SUV sa isang intersection sa Brgy. Poblacion, Dalaguete, Cebu nitong Miyerkules ng umaga, Nov. 25.


Batay sa imbestigasyon, galing umano ang dalawang biktima sa isang inuman na inabot ng umaga batay na rin sa salaysay ng ama ng isa sa mga biktima.


Nakita ng mga otoridad sa CCTV footage sa lugar na pinangyarihan ng insidente na hindi umano nagmenor o tumigil  ang 41-anyos na motorcycle rider sa intersection na nagresulta sa pagsalpok nito sa SUV.


Pumailalim sa SUV ang motorsiklo dahil sa lakas ng pagkakasalpok at tumilapon ang mga biktima.


Nagawa pang maisugod ang magkaibigan sa ospital subalit hindi na umabot nang buhay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page