Motor sumalpok sa kotse, angkas todas
- BULGAR

- 2 hours ago
- 1 min read
by Benjamin Chaviz @News | August 30, 2026

Photo: File
Dead-on-arrival sa Santa Rosa Community Hospital ang isang babae na angkas ng kanyang kinakasama sa motor, matapos bumangga sa poste, alas-2:55 ng madaling-araw sa Brgy. Malusak, Santa Rosa City, Laguna.
Kinilala ng mga tauhan ng Santa Rosa Component City Police Station, ang nasawing biktima sa alyas Lyka, 17, ka-live-in ni "Jun," 19.
Sa inisyal na imbestigasyon, tumatawid sa F. Gomez St. ang motor nang mawalan umano ng kontrol ang driver saka bumangga sa poste ng ilaw.
Parehong dinala ang magka-live-in sa Community Hospital subalit dead-on-arrival si "Lyka".





Comments