Motor sumalpok sa backhoe, college student dedbol

by Janice Baricuatro @News | November 8, 2026

Photo: File
Patay ang isang 20-anyos na college student matapos sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang nakaparadang backhoe sa Governors Drive, Brgy. Bancal, Carmona City, Cavite, alas-4 ng madaling-araw kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Arren, college student at residente ng nasabing barangay.
Batay sa imbestigasyon, mabilis umano ang patakbo nito at pagdating sa pakurbadang bahagi ng kalsada, hindi nito napansin ang nakaparadang backhoe sa gilid ng daan kaya sumalpok. Nakunan din ng CCTV ng Carmona Operations Center ang insidente.
Napag-alamang madilim ang lugar at walang nakalagay na anumang warning device ang nakahintong backhoe.
Nagtamo ng matinding pinsala sa katawan, partikular sa ulo, ang biktima. Agad itong isinugod sa pagamutan ngunit idineklarang dead-on-arrival.





Comments