More budget, more asungot sa mga trip abroad ni P-BBM sa 2024, grabe!
- BULGAR
- Aug 5, 2023
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | August 5, 2023
TILA MAS MARAMING ASUNGOT ANG ISASAMA NI P-BBM KAYA GUSTO NIYANG P1.4B ANG KANYANG TRAVEL FUND NEXT YEAR -- Ang travel fund ni Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) ngayong year 2023 ay higit P893 million, at next year 2024, ang gusto raw ng Presidente ay maging P1.4 billion na ang kanyang budget sa mga gagawing foreign trips o paglabas-labas niya sa bansa.
Aba teka, sa laki ng pera ng bayan na ‘yan na gustong gastahin ni P-BBM, eh tila mas maraming mga asungot ang isasama niya sa pag-a-around the world niya next year, buset!
◘◘◘
MGA MARCOS LOYALISTS AT DDS, DAPAT SA PSA BUMILI NG MAKAKAIN AT
MAGBAYAD NG BILL SA KURYENTE AT TUBIG -- Ibinida ng mga alagad ni P-BBM na na nitong nakalipas na buwan ng Hulyo 2023 ay bumaba raw ng 4.7% ang inflation rate o presyo ng mga bilihin at bayarin, pero sa mga pamilihan o merkado ay hindi naman bumaba ang presyo, at sa halip ay patuloy pang tumataas, at maging sa billing ng kuryente at tubig, mataas pa rin ang mga bayarin.
Kaya du’n sa mga Marcos loyalist at Duterte Diehard Supporters (DDS) na naniniwala na bumaba na ang presyo ng mga bilihin at bayarin, huwag silang maghanap ng murang presyong pagkain sa mga pamilihan o merkado kasi wala silang makikitang murang bilihin. Ang dapat nilang gawin ay sa Philippine Statistics Authority (PSA) bumili ng kanilang mga makakain, at maging sa pagbabayad ng billing sa kuryente at tubig, sa PSA na rin sila magbayad, boom!
◘◘◘
HINDI BUMABABA PRESYO NG BILIHIN AT BAYARIN KAYA ANG IBINIDA NG PSA NA BUMABA SA 4.7 INFLATION RATE, FAKE NEWS! -- Ang PSA sa panahon ng Marcos admin ay ang hilig i-fake news ang mamamayan, tulad nga ng inanunsyo nilang bumaba ng 4.7% ang inflation rate sa ‘Pinas.
Ihalimbawa natin ang presyo ng bigas na siyang pangunahing pagkain ng tao, dati kasi ay may tig-P38 per kilo ng bigas, pero ngayon ay wala na, kasi ang pinakamababang presyo ng per kilo ng bigas ngayon ay P40.
Dapat isalpak ng mga taga-PSA sa kanilang mga kokote, na kapag sinabing bumaba ang presyo, dapat ay may nakikita na ngayong tig-P38 per kilo ng bigas sa merkado, pero ang katotohanan, hanggang ngayon ay wala pa, P40 pa rin ang pinakamababang per kilo ng bigas, period!
◘◘◘
INUNGGOY LANG NI EX-P-DUTERTE ANG MAMAMAYAN NA MAGIGING MURA PRESYO NG BIGAS SA RICE TARIFF LAW -- Si P-BBM mismo ang nagsabi na nagtaas na raw ng presyo ng bigas ang India at Vietnam kaya’t asahan na raw na kapag nag-angkat uli ng bigas ang Pilipinas sa dalawang bansang ito ay tiyak daw na magiging mataas ang bentahan nito sa bansa.
Patunay ang sinabing ‘yan ni P-BBM na pang-uunggoy lang sa publiko ang sinabi noon ni ex-P-Duterte na kaya niya isinabatas ang Rice Tariffication Law ay para raw bumaba ang presyo ng bigas, kasi base nga sa statement ni P-BBM, tataas ang presyo ng bigas sa merkado kapag dumating na sa bansa ang mga aangkating bigas sa India at Vietnam, tsk!





Comments