top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

"Mommy" na raw ang tawag sa madir ng aktor…

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 21, 2020
1 min read

DEREK, NAGSALITA NA SA KUMALAT NA SI POPS ANG IPINALIT KAY ANDREA

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 21, 2020




Nadadamay ngayon si Pops Fernandez sa hiwalayang Derek Ramsay at Andrea Torres. Bagama’t nilinaw na ng aktor na walang third party involved sa kanilang breakup, ang dami pa ring netizens ang nagbabanggit sa pangalan ng singer-producer at pinaghihinalaang siya ang dahilan ng AnDrek split-up.


Komento ng isang netizen, ang totoong nagwagi raw talaga ay si Pops.


“@ramsayderek07 and MISIS pops Fernandez wins haha old naman gusto Derek,” pahayag ng isang netizen.


Sinagot naman ito ng aktor ng “Lahat na lang, bigyan ng issue.”


Isa pang reaksiyon, “omg! Kung ako ke Pops, alagaan niya na lang maigi 'yung mga doggie niya.”


May komento ring “Bagay kayo Sir Derek ni Ms. Pops Fernandez.”


Ilang araw bago napabalita ang AnDrek breakup ay nasa news sina Derek at Pops dahil sa collaboration nila as environmental advocates.


Since then ay na-link na sila at mas lumala pa nang pumutok na ang news na break na sina Andrea at Derek dahil si Pops na ang itinuturong third party.


Bale ba, sa pinakahuling Instagram post ni Derek kung saan ay binabati niya ang ina sa kaarawan nito ay nag-iwan ng comment si Pops at binati rin ang mommy ng aktor.


“Happy b-day, Mommy,” ang pagbati ni Pops sa ina ni Derek.


Komento ng isang netizen, “Mommy mo na siya, ang lakas mo.”


May mga nagtanggol naman at nagsabing good friends daw sina Pops and Derek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page