Mommy D, achieved ang TikTok dancing kasama ang apong si Mary
- BULGAR

- Jul 16, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | July 16, 2020

Enjoy na enjoy si Mommy Dionisia sa pagsali sa kanyang apong si Mary Pacquiao ng TikTok videos.
Todo sayaw ang 71-year-old na madir ni Sen. Manny Pacquiao together ng kanyang apong si Mary sa popular na "Laxed (Siren Beat)" ng kanilang cutie moment.
May isa pang pinost si Mary ng TikTok dance challenge kasama si Mommy D, nang biglang sumali si Mommy Rosalina Capena, madir ni Jinkee.
Cha-cha song naman ang upbeat nito, kaya pinabayaan na ni Mary ang dalawa niyang lola na manguna sa TikTok challenge.
"With my two beautiful lolas! (Sorry, I don't know how to cha cha)," caption ni Mary sa post niya.
Si Mary ang eldest daughter nina Sen. Manny at Jinkee, na mayroon pang apat na anak, sina Queenie, Jimuel, Michael at Israel.




Comments