Mobile Legends: 3-game winning streak ng Bren Esports, idinetalye

ni Jasmin Joy Evangelista | September 27, 2021

Nakamit ng Bren Esports ang 3-game winning streak sa Season 8 Mobile Legends: Bang Bang Professional League.
Pero bago nakamit ang tagumpay, matatandaan ding dumating sa punto na sila ang huli sa league rankings at walang nakuhang panalo sa unang dalawang linggo ng MPL Season 8.
Ayon kay head coach Francis "Duckeyyy" Glindro, nakatulong ang panibagong patch at mas pumabor ito sa mga pick nila.
"I think it's safe to say na pumabor sa'min 'yong patch," ani Duckeyyy sa isang post-match press conference matapos ang 2-0 win nila sa Onic PH.
Nakatulong din daw sa kanila ang Sunsparks Philippines dahil wala umanong makausap ang koponan sa boot camp.
"Previously wala silang nakakausap parang state of ang daling mag-burnout walang stimulus," ani Duckeyyy.
Bukod pa raw dito, mas "nag-mature" na umano ang kanilang pananaw sa laro, matapos ang mga pagsubok sa unang bahagi ng season.
"This time, nag-mature na sila in a way na ano hindi na sila parang pisot na dire-diretso lang na walang preno," sabi ni Duckeyyy.
Panlima na league rankings ngayon ang Bren, na makakaharap ang TNC sa susunod nilang laban sa October 2.





https://lootbar.gg/top-up/kingshot
Bren Esports’ impressive 3-game winning streak in Mobile Legends highlights their dedication and strategic prowess in the game. Their performance shows how important it is to balance strong team coordination with individual skill. For anyone interested in game development, exploring the concept art definition can be essential, as it lays the foundation for creating immersive game worlds. Bren Esports’ victories are a testament to the power of effective gameplay design and execution—an inspiring feat for fans and aspiring developers alike!