top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mobile App ng gobyerno, mapapalaban sa mga fixer at korup

Writer: BULGAR
BULGAR
Jun 4, 2023
2 min read

ni Ryan Sison @Boses | June 4, 2023


Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. noong Biyernes na ang eGov Super App, ang unang one-stop platform ng bansa para sa mga serbisyo ng national at local government, ay magbibigay sa publiko ng hassle-free transaction at para masugpo ang korupsiyon.


Ginawa ni Marcos ang pahayag habang binabati niya ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa paglulunsad ng eGov Super App sa Malacañang.


Binigyang-diin ni Marcos ang kahalagahan ng pag-digitize ng mga serbisyo ng gobyerno, at sinabing ito ay magiging "useful, easy, at convenient" para sa mga ordinaryong mamamayang Pilipino.


Aniya, ang pag-maximize sa paggamit ng mga bagong teknolohiya ay makakaalis din sa mga "fixer" na humihingi ng pera, kapalit ng pagpapadali ng mga transaksyon sa mga ahensya ng gobyerno.


Ayon kay Marcos, inaasahan niya ang tagumpay ng eGov Super App, na binibigyang-diin na ang paglulunsad ng online platform ay isang napakagandang hakbang sa pagkamit ng buong layunin ng pagbabagong digital at ekonomiya ng kanyang administrasyon.


Ang eGov PH mobile application ay nagpapahintulot sa mga user na makipagtransaksyon sa mga ahensya ng gobyerno, magbayad ng mga bayarin, at mag-access ng mahahalagang impormasyon tungkol sa mga programa at serbisyo ng gobyerno online.


Aminado si National Economic and Development Authority Secretary Arsenio Balisacan na ang pakikipagtransaksyon kahit sa mga ahensya ng gobyerno ay isa nang malaking hamon.


Nangako si Marcos na gagawing mas malawak at mas sopistikado ang eGov Super App upang mapataas ang global competitiveness ng bansa.


Sa totoo lang, kahit sabihin pa ng Pangulo na masusugpo umano ng eGov Super App ang korupsiyon, aminin man natin o hindi gagawa at gagawa talaga ng paraan ang mga kurakot sa gobyerno.


Kaya sana huwag puro salita at huwag puro pangako lang dahil aasa ang taumbayan na masusugpo na ang korupsyon sa bansa.


Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page