MOA Globe, nawawala nga ba?

ni Jasmin Joy Evangelista | November 14, 2021

Viral ngayon sa social media ang pagkawala ng sikat na MOA Globe sa SM Mall of Asia, na pinaniniwalaang ninakaw.
Nakita sa dashcam ng isang motorista na isang helicopter ang tumangay dito.
Bagaman palaisipan kung papaano at bakit kinuha ang malaking istruktura, naglabas na ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng naturang mall.
“SM Mall of Asia is currently working with authorities in investigating the MOA Globe incident. With our security measures in place, rest assured that the SM Mall of Asia continues to be a safe space for your family and friends,” saad sa public notice ng #SMMallOfAsia.
Sa ngayon ay wala pang pinal na pahayag ukol dito.





Comments