MMDA Chairman, aminadong inutil solusyunan ang problema sa trapik
- BULGAR
- Dec 11, 2022
- 2 min read
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | December 11, 2022
GOCCs FUNDS, NEXT TARGET NG MGA CONG. PARA SA MAHARLIKA WEALTH FUND—Matapos tutulan ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla at ng mga miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS) na sa kanila kukunin ang ipangpopondo sa Maharlika Wealth Fund, nagpasya ang mga kongresista na sa ibang Government Owned-Controlled Corporations (GOCCs) na lang sila kukuha ng pondo para sa Maharlika Wealth Fund.
Hay naku, tila hindi talaga titigil ang mga cong. para matambakan ng pondo mula sa kaban ng bayan ang MWF, na ayon nga sa mga kritiko ay pagmumulan lang ng garapalang korupsyon.
◘◘◘
DAPAT LUBAYAN NA NG MGA CONG. ANG MAHARLIKA WEALTH FUND KASI OBVIOUS NA MAY ‘BALAK’ SILA RITO—Sa totoo lang, dapat tigilan ng mga kongresista ang pagsusulong ng Maharlika Wealth Fund kasi mismong ang kapatid ni Pres. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na si Sen. Imee Marcos ay tutol sa paniwalang mako-corrupt lang ang kaban ng bayan na ilalagak dito.
Dapat lubayan na talaga nila ‘yan dahil masyado na silang napaghahalata na meron silang “balak” sa pera ng bayan, na ilalagak sa Maharlika Wealth Fund.
◘◘◘
HINDI KAPANI-PANIWALA ANG SURVEY NG SWS NA GAGANDA ANG KALIDAD NG PAMUMUHAY NG MGA PINOY NEXT YEAR DAHIL MARAMI PA RING KURAKOT—Pinuputakti na naman ng batikos ang SWS dahil sa inilabas nilang survey na next year, ang paniniwala ng 45% Pinoy ay gaganda na ang kalidad ng kanilang pamumuhay.
Hindi talaga kapani-paniwala ang survey kasi hangga’t sangkaterba ang kurakot na pulitiko sa Pilipinas ay malabong mangyari na gumanda ang kalidad ng pamumuhay ng mga Pinoy.
◘◘◘
MMDA CHAIRMAN, DAPAT SIBAKIN NI P-BBM—Sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes, na wala silang magagawa sa halos dalawang oras na buhul-buhol na daloy ng trapiko sa EDSA ngayong panahon ng Kapaskuhan.
Kung ganun, dapat sibakin na ni P-BBM si Artes kasi parang sa kanya na mismo galing na inutil siya sa puwesto para lutasin ang dalawang oras na problema sa trapiko ng mga motorista.





Comments