top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Mitchell, Bogdanovic, Hardaway at Garland, magagara ang laro

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Dec 8, 2022
  • 2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | December 8, 2022



Pinutol ng Cleveland Cavaliers ang tatlong sunod na panalo ng Los Angeles Lakers, 116-102, sa tampok na laro sa NBA kahapon mula sa Rocket Mortgage Fieldhouse. Kumapit naman ang Dallas Mavericks sa fourth quarter upang lusutan ang Denver Nuggets, 116-115.


Pagkakataon ni Donovan Mitchell na magdomina ng laro sa gitna ng maagang pagkawala ni Anthony Davis. Naglaro lang si Davis ng unang walong minuto at napilitang lumabas dahil sa lumalalang sintomas ng trangkaso.


Nag-iwan ng lakas si Mitchell para magsabog ng 17 puntos sa 4th quarter at tuluyang lumayo ang Cavs, 115-100, sa kanyang dalawang free throw papasok sa last 2 minutes.


Nagtapos si Mitchell na may 43 puntos at sinundan nina Jarrett Allen na may 24 puntos at 11 rebound at Darius Garland na may 21 puntos at 11 assist.


Sinayang ng Mavs ang 111-101 lamang at pinabayaang humabol ang Nuggets sa huling apat na minuto sa 10 sunod-sunod na puntos at saglit maagaw ang lamang, 112-111.



Ibinalik ng tres ni Dorian Finney-Smith ang abante sa Dallas, 114-112, at nanaing ang husay ng Mavs sa free throw upang mapreserba ang resulta.


Triple double muli si Luka Doncic na 22 puntos, 10 rebound at 12 assist. Nanguna sa opensa si Tim Hardaway Jr. na may 29 puntos buhat sa anim na three points.


Samantala, tinambakan ng bisitang Detroit Pistons ang Miami Heat, 116-96. Sumandal ang Pistons sa mainit na second half nina Bojan Bogdanovic at reserba Alec Burks para sa kanilang ika-pitong panalo sa 26 laro.


Tatlong puntos lang si Bogdanovic sa first half at nahanap ang shooting para magtapos na may 31 puntos mula sa pitong 3-points. Sumunod si Burks na may 18 at isa pang reserba Saddiq Bey na may 14 puntos.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page