top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mister na may kabit, ‘di na makakabalikan; bagong guy, makikilala abroad

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 27, 2021
  • 1 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| January 27, 2021



Dear Maestro,


Nambabae ang mister ko noong OFW ako sa Hong Kong noong 2018 kaya naghiwalay kami at tuluyan siyang sumama sa kabit niya, at ngayon, nakikitira ako sa aking mga magulang.

Gusto kong malaman kung magkakabalikan pa ba kami at kung hindi, may lalaki pa bang darating sa buhay ko kahit may dalawa na akong anak?


Balak kong mag-abroad ulit, may ikalawang pag-a-abroad ba sa kapalaran ko? Kung mayroon, kailan ito mangyayari? September 19, 1977 ang birthday ko.

Umaasa,

Virgo Lady ng Caingin, Bocaue, Bulacan

Dear Virgo Lady,


Ayon sa zodiac sign mong Virgo, sa birth date na 19 o 1 (ang 19 ay 1+9=10/ 1+0=1), sa destiny number 7 (9+19+1977=2005/ 20+05=25/ 2+5=7), sadyang may ikalawa at mas mabungang pangingibang­-bansang itatala sa iyong kapalaran, at ito ay inaasahang maganap sa susunod na taong 2022 o 2023, sa buwan ng Setyembre hanggang Nobyembre. Kaya kung may aplikasyon ka sa abroad sa nasabing panahon, sigurdo ang magaganap – may ikalawang mas mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.


Hinggil naman sa pag-ibig kung saan ang destiny number mong 7, ang nagsasabi ring ikaw ay makapag-aasawa sa ikalawang pagkakataon. Gayundin, ang nasabing pag-aasawa ay hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra o Taurus kung saan ang lalaking ito ay makikilala mo sa pangingibang-bansa. Sa ikalawang pag-aasawang nabanggit, tuluyan ka nang uunlad at habambuhay na magiging maligaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page