top of page
WINNER - BEAUTY QUEEN GF NI SANTINO, NAPAGKAMALANG TRANSGENDER-IG _ashleysubijano.jpg

Mister, kaya raw nambabae… JOHN AT PRISCILLA, 2022 PA LANG, 'DI NA MAGKATABI SA KAMA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jul 30, 2024
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | July 30, 2024



Showbiz News
Photo: John Estrada at Priscilla Meirelles / IG

Hindi na nagtataka pa ang ilang nakakaalam sa kuwento ng paghihiwalay nina Priscilla Meirelles at John Estrada na matagal na raw silang may problema sa kanilang pagsasama pero ngayon lang mukhang matutuloy na sa hiwalayan.


Since 2022 pa raw ay hindi na nagtatabi sa pagtulog sina Priscilla at John. Marahil ay isa ‘yun sa mga dahilan kaya humanap si John ng ibang babae. 


Nagkaroon sila ng falling out dahil hindi ma-take ni Priscilla ang pambababae ng mister at ‘yun ang madalas nilang pag-awayan.


Well, ang tanong, kung muli bang bibigyan ni Priscilla Meirelles ng another chance ang kanyang mister, matitigil na kaya si John Estrada sa pagiging chickboy?


Abang-abang na lang sa Mr. Right… 

KIM, NADALA NA KAY XIAN, AYAW NANG UMASA NANG TODO KAY PAULO


Kim Chiu

PAGKATAPOS ng nangyari sa relationship nina Kim Chiu at Xian Lim na nauwi sa paghihiwalay after 13 years, isang malaking leksiyon sa pag-ibig ang natutunan ng aktres at tatandaan upang hindi na siya muli pang masaktan kapag umibig uli.


Marami ang nagsasabing si Paulo Avelino ang perfect match para kay Kim Chiu. Ang aktor ang inirereto ng mga fans at netizens upang pumalit kay Xian. 


Kinikilig sa kanilang tambalan ang mga netizens at fans dahil pinasasaya lagi ng aktor si Kim kapag ito ay nalulungkot.


Pero sey nga ng Chinita Princess, ayaw na niyang umasa pa at mag-expect nang sobra upang hindi na siya masaktang muli. Kung anuman ang dumating para sa kanya ay tatanggapin niya. 



BASTA may kalamidad na dumating sa bansa, tiyak na nangunguna si Sen. Bong Revilla, Jr. sa pagbibigay ng ayuda. 


Personal niyang pinupuntahan at binibisita ang mga apektadong lugar at lalawigan upang magpadala ng food packs at mga basic needs tulad ng bigas at groceries nitong nagdaang baha na dulot ng Habagat at Bagyong Carina. 


Naka-chopper pa si Sen. Bong upang umikot sa Bulacan at Nueva Ecija at tingnan ang kalagayan ng mga binahang residente. 


Kaya naman, nagtatanong ang marami kung bakit si Sen. Bong lang ang visible kapag may kalamidad? Nasaan na raw ‘yung ibang senador na ibinoto nila? Bakit hindi man lang magparamdam ang mga ito at mag-abot ng tulong sa mga binaha? 


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page