top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mister ang hari, siya raw ang alas… CONGW. VILMA, KUMANTANG UNDER NIYA SI SEN. RALPH SA BAHAY

Writer: BULGAR
BULGAR
Nov 26, 2020
1 min read

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | November 26, 2020




Inamin ni Star for All Seasons at Lipa City Representative Vilma Santos na hindi siya ang tipo ng tipikal na asawa na ultimo pagbibihis ng mister ay inaasikaso.


Sa panayam sa kanya sa Facebook ng politiko.com ay natanong kasi siya kung sino si Ate Vi bilang maybahay ni Sen. Raph Recto.


“Hindi po ako ‘yung klase ng maybahay na nag-aayos po ng tuwalya, t-shirt o pantalon o kung anuman sa kanyang asawa. Pero ako po ay isang asawa na lagi pong naniniwala sa kanyang partner at hindi po nakikipagkumpitensiya sa kanyang partner.


“Basta’t every time na kailangan po niya ng kapareha o makikinig sa kanya, nandirito po ako as a wife,” pahayag ni Ate Vi.


Dagdag pa ng Star for All Seasons, 35 years na ang relasyon nila ng mister.


“We’ve been together for 35 years na po. Palagay ko, kung nagtagal naman po kami nang ganyan katagal, baka mabait naman akong asawa,” sey niya sabay tawa.


Naitanong din kung sino ang mas matikas sa bahay, kung si Congw. Vi ba o si Sen. Ralph. Sagot niya, “Basta ang alam ko po, si Senador po ang hari po ng amin pong tahanan. Pero ako po ang alas.”


Nagkatawanan sa sagot na ito ni Ate Vi dahil kung sa baraha, we all know na mas mataas ang alas kaysa sa hari.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page