Search
  • BULGAR

Miss Q&A winner, nag-online seller… JULIANA, NABANGGA ANG MOTOR HABANG NAGDE-DELIVER

Julie Bonifacio - @Winner | February 23, 2021





Speaking of Magandang Buhay, malaking ayuda pala ang ibinigay nina Jolina, Karla and Melai sa unang nakoronahan bilang Miss Q&A sa It's Showtime na si Juliana Parizcova Segovia.


"Ay! Malaking bagay po sa akin ang mga momshies," bulalas ni Juliana sa aming exclusive interview sa kanya sa grand presscon ng comedy film na Ayuda Babes.


"Kasi, halos everyday, nakakausap ko sila and talagang binibigyan nila ako lagi ng payo na lumaban, na mag-isip ng paraan, mag-isip ng kahit ano'ng paraan na pantawid kaya nag-online selling ako, hanggang sa naaksidente ako," pagbubulgar ni Juliana.


Ang gusto raw kasi ng iba niyang buyers, siya mismo ang mag-deliver.


"Kasi siyempre nga naman, at the same time, makakapagpapiktyur sila. So ako, hindi ako makatanggi kahit natatakot ako sa covid, kasi sayang ang kita. Kaya sabi ko, sige.


"Eh, one time, sa sobrang pagmamadali ko, dahil may gamit akong motorbike, 'yun, bumangga."


Pagkatapos mabangga, hindi na raw niya maisip kung ano ang gagawin. Workaholic daw kasi siya. Okey daw sa kanya kahit walang tulugan basta may trabaho.


"So, sabi ko, kailangan ko munang huminga. Kailangan ko munang mag-isip nang mabuti. And then, nu'ng nagka-guesting sa Showtime, sa Magandang Buhay, parang sign na meron pa akong pupuntahan sa showbiz, may mangyayari pa."


At bukod sa blessing na nagkaroon uli siya ng guestings, nabigyan din daw siya ng ayuda ng tatlong MB hosts at malaking tulong 'yun sa kanya.


Nasa ABS-CBN pa lang si Juliana nu'ng ialok ng Saranggola Media Productions ang pelikulang Ayuda Babes. Ito 'yung panahon na nag-aalala siya na baka tuluyan na siyang mawala sa showbiz.


Kaya malaking blessing daw sa kanya ang Ayuda Babes at maidirek ni Joven Tan. Ito rin ang ikatlong pelikula ni Juliana kay Direk Joven.


Mapapanood ang Ayuda Babes sa iWantTFC at Ktx.PH sa March 5.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.