Misis na gustong makipagsapalaran sa Maynila, yayaman at uunlad
- BULGAR
- Nov 9, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | November 9, 2021

KATANUNGAN
1. Ako ay tubong Masbate at nagbabalak lumuwas ng Maynila para makipagsapalaran dahil walang kabuhayan dito sa aming probinsya. May asawa at dalawang anak na ako, at ayaw kong matulad ang aking mga anak sa mga kakabayan kong walang kinabukasan.
2. Gusto ko silang makapagtapos ng pag-aaral, kaya balak kong makipagsapalaran d’yan sa Maynila. Nais kong malaman na kung pupunta ba ako sa Maynila, may magandang kapalaran ba sa aking naghihintay?
KASAGUTAN
1. Kung hindi muna sisilipin ang guhit ng iyong mga palad at ang pagbabatayan ay ang zodiac sign mong Capricorn at birth date na 17, tugmang-tugma sa iyong kapalaran ang binabalak mong pakikipagsapalaran.
2. Sapagkat sa pang-istatistikang pagtaya, ang mga taong naiimpluwensiyahan ng Planetang Saturno ay umuunlad sa sandaling lumayo sila sa sinilangan nilang bayan. Naging Saturno ang iyong ruling planet, sapagkat si Saturn ang ruling planet ng zodiac sign mong Capricorn at ang birth date mong 17 o 8 (ang 17 ay 1+7=8) ay may aakibat ding planetang Saturno.
3. Sa madaling salita, bagama’t hard work at sobrang pagtitiis at pang-aapi sa iyong pagkatao ang pansamantalang daranasin mo sa Maynila, kapag natiis mo ang mga pang-aapi, pang-aalipusta at pagyurak sa iyong pagkatao, uusbong at mabubuo ang isang bago, masipag, masikap at maunlad na nilalang – ikaw.
4. Samantala, kapansin-pansing lumawak ang sakop ng Life Line (Drawing A. at B. L-L arrow a.) sa makapal at kakaunting guhit sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa sandaling ginusto mo ang isang bagay at pinagsikapan talagang kunin, walang makakahadlang sa iyong pagnanais na makipagsapalaran sa Maynila. Ngunit ang hindi mo naman mahahadlangan, ang ikaw ay dumaan sa maraming pagsubok at pasakit sa Maynila bago tuluyang managana at guminhawa ang iyong buhay.
5. Ang pag-aanalisang hindi magiging madali ang buhay mo sa Maynila sa simula ay madali namang kinumpirma ng Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.). Ito ay hindi makaungos nang mabuti, pabugso-bugso (arrow b.) at sa gitnang bahagi lamang ng kanyang destinasyon ganap na nakahulagpos, kumapal at luminaw ng husto (arrow c.) hanggang makarating sa Bundok ng Tagumpay (arrow d.) na siya ring Mount of Saturn na. Ibig sabihin, pagkatapos ng maraming pang-aapi at pagyurak sa iyong katauhan, magiging magaling kang tao, hanggang sa kusa mong matagpuan ang tunay na pormula ng pagyaman – pagsisinop ng kabuhayan, pagmamahal sa pinagkakakitaan at paglayo sa maluho at magastos na buhay.
MGA DAPAT GAWIN
1. Elvira, tama ang iniisip mo at ang iyong pasya, sapagkat kung mananatili ka sa probinsiyang iyong sinilangan, hindi ka nga uunlad at yayaman. Sa halip, maaari pang mamana ng iyong mga anak ang pinapasan ninyong kahirapan.
2. Subalit sa paglayo sa sinilangang bayan at pakikipagsapalaran sa malayong lugar at puwede rin sa abroad, nakahanda na ang magaganap – matapos ang matinding sakripisyo at pagtitiis, sa dulo ng lakbayin, isang malaking tagumpay ang iyong matatamo. Ito ay nakatakdang mangyari sa taong 2031 o sa edad mong 52 pataas.




Comments