Misis, may problema raw…ROBIN, IBINULGAR ANG DAHILAN NG PAGTABA NI MARIEL
- BULGAR

- Aug 11, 2020
- 1 min read
ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | August 11, 2020

Sinigurado ng aktor na si Robin Padilla na siya ang kauna-unahang babati sa kaarawan ng asawang si Mariel Rodriguez kahapon, August 10.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Robin ang isang makahulugan at sweet na mensahe para sa asawang nagdiriwang ng kanyang 36th birthday.
“Maligayang araw ng kapanganakan sa iyo, my babe. Isang taon na naman ang nakalipas at ang lahat ay nagsasabi na isang dekada ka na sa akin pero ako lang ang hindi nakapansin ng haba ng ating pagsasama sa iyong hitsura sapagka't magmula nu'ng una natin na pagkikita hanggang sa oras na ito ay 26 pa rin ang tingin ko sa iyo. Walang nagbago kundi lalo pang gumanda dahil kumikinang ka sa iyong pagiging mabuting asawa at ina.”
Sampung taon nang kasal sina Mariel at Robin at biniyayaan sila ng dalawang anak — ang panganay na si Maria Isabella (3 yrs. old) at ang bunsong si Maria Gabriela na kanyang isinilang last year at naging dahilan para mag-indefinite leave si Mariel sa It's Showtime.
Bukod sa napaka-sweet na birthday greetings, ipinagtanggol din ni Robin si Mariel sa mga bashers na nang-ookray sa laki ng katawan ngayon ng kanyang misis.
Paliwanag ni Robin, ang pagtaba ni Mariel ay hindi dahil lang sa kagustuhan nitong kumain nang kumain. Ang totoo raw, wala kasing gatas na lumalabas sa suso ni Mariel kaya in-advise ito ng doktor na kailangang kumain nang marami at 'wag mag-diet para makapagpa-breastfeed sa anak.
Saludo naman daw si Robin sa kanyang misis na kung dati ay sarili lang ang iniisip, ngayon ay mas piniling masira ang figure kesa hindi mapa-breastfeed nang maayos ang kanilang bunsong anak.





Comments