top of page
WINNER - ALEX, INILANTAD NA ANG PAGBUBUNTIS-IG _cathygonzaga.jpg

Enjoy naman daw dahil producer na ngayon… YASSI, MASAYA KAHIT ‘DI PA PINAKAKASALAN NI CONG. LUIGI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 3 hours ago
  • 2 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | May 22, 2026



TEKA NGA - YASSI, MASAYA KAHIT ‘DI PA PINAKAKASALAN NI CONG. LUIGI-IG _luigivillafuerte

Photo: IG _luigivillafuerte



Hanggang ngayon ay hirap pa ring tanggapin ng aktor na si Kelvin Miranda ang biglaang pagpanaw ng kanyang amang si Patricio Miranda, na nasawi sa isang vehicular accident. 


Sa gitna ng kanyang pag-abot sa tagumpay sa showbiz, nananatiling mabigat para sa aktor ang pagkawala ng ama na nais sana niyang makasaksi sa katuparan ng kanyang mga pangarap para sa kanilang pamilya. 


Sa kabila ng matinding lungkot, tuloy pa rin si Kelvin sa kanyang mga commitments sa showbiz. Matapos ang kanyang markadong role sa Sang’gre, umaasa siyang mabibigyan pa ng follow-up project sa Kapuso Network. 


Maganda rin ang feedback ng mga viewers sa kanyang acting at marami ang nagsasabing malakas ang kanyang karisma at mala-Daniel Padilla ang dating niya sa mga fans.


Ngayong mas sumisikat na siya, marami na ring babaeng nagpaparamdam kay Kelvin, pero aminado siyang hindi niya type ang mga sobrang agresibo. 


Sa kanyang guesting sa Your Honor (YH) hosted by Chariz Solomon at Buboy Villar, ibinahagi niyang hindi niya ine-entertain ang mga agresibong girls at hindi niya sinasamantala ang kanyang kasikatan para magkaroon ng maraming chicks. 

Career at pamilya pa rin ang kanyang prayoridad.





SUPORTADO ng kanyang mister na si Perry Choi ang pagbabalik-showbiz ni Kris Bernal, habang patuloy siyang naka-focus sa kanyang pamilya at mga proyekto. 


Ayon sa aktres, masaya siya sa kanyang pagbabalik sa GMA Network dahil muli siyang nabibigyan ng pagkakataong makatrabaho ang mga kaibigang artista at maramdaman ang fulfillment ng pagiging aktibo sa industriya.


Sa kabilang banda, nilinaw din ni Kris na hindi naging isyu sa kanilang pagsasama ang usapin tungkol sa prenup agreement, dahil nananatiling nakaugat ang kanilang relasyon sa tiwala, respeto, at pagmamahalan. 


Para sa kanya, hindi dapat hadlang ang pera o ari-arian kung tunay ang pagmamahalan, at patuloy siyang buong-pusong suportado ng kanyang asawa.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page