top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Milyun-milyong tambay, ‘wag naman na sanang madagdagan

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 10, 2021
1 min read

@Editorial | March 10, 2021



Umabot sa apat na milyon ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho, base sa resulta ng latest Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA).


Ang bagong tala ay mas mataas umano ng 1.6 million kumpara sa 2.4 million unemployed na naitala noong Enero 2020, at bahagya ring mas mataas kumpara sa 3.8 million na naitala naman sa survey na isinagawa noong Oktubre ng nakaraang taon.


Masasabing hindi na nakapagtataka na lumobo ang bilang ng mga tambay dahil sa dinaranas nating pandemya dulot ng COVID-19. Maraming negosyante ang nagbawas ng tao, meron ding napilitang magsara dahil hindi na kinaya ang sitwasyon. Habang may mga empleyado namang direktang tinamaan ng sakit kaya hindi na nakapasok o kaya’y may kapamilya na kinailangang alagaan.


At ngayong nagdatingan na ang mga bakuna na inaasahan nating unti-unting magbabangon sa ating kabuhayan, tila tumataas naman ang bilang ng mga nagpopositibo sa virus.


Kaugnay nito, muling nabahala ang mga manggagawa at maging ang mga negosyante na baka ipatupad na naman ang mas mahigpit na community quarantine. Bagama’t, agad namang sinabi ng gobyerno na hindi na kakayanin kung ibabalik ang enhanced community quarantine (ECQ). Sa halip, mas paiigtingin na lamang ang pagpapatupad ng mga health protocols sa mga local government units (LGUs).


Isipin din natin na ang mga bakuna ay hindi lang kontra-COVID-19, kundi pag-asa na muling makakabangon ang ating ekonomiya, muling darami ang trabaho at mababawasan na ang mga tambay.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page