top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Milyones na kita sa YouTube, gustong i-share… IVANA, MAMIMIGAY NG HELMET AT CASH SA MGA RIDERS

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 27, 2021
1 min read

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | January 27, 2021




Tapos na ang Pasko at Bagong Taon pero nagpapahabol pa rin si Ivana Alawi ng regalo para sa mga riders ng iba't ibang delivery apps na nagde-deliver ng pagkain sa iba't ibang lugar sa Metro Manila.


Bumili si Ivana ng 8 brand new helmets upang ipamigay sa matatawagan nilang rider na magde-deliver. Pero bukod sa helmet ay may P10 thousand cash pang ibibigay si Ivana!


Hindi nagpakilala si Ivana nang siya ay magpa-deliver ng pagkain. Kaya, laking-gulat at tuwa ng mga riders na natawagan nang si Ivana mismo ang namigay ng helmet.


'Yung cash gift, mistulang nagpa-game show si Ivana dahil kailangang sagutin ng rider ang tanong niya na madadali lang naman.


Laking-tuwa ng walong riders na natawagan dahil nabigyan ng brand new helmet, plus P10 thou cash! May rider pa ngang naiyak sa sobrang tuwa.


Ang ginawang ito ni Ivana Alawi ay bahagi ng kanyang pasasalamat dahil patuloy na pinanonood ang kanyang mga vlogs at tumataas pa ang kanyang YouTube subscribers.

Mahigit 10 M na ang subscribers sa YT ni Ivana. Kung anuman ang kanyang kinikita ngayon ay isine-share niya sa mga taong nangangailangan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page