top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Miles, ibinato ang cellphone nang makita ang subuan nina Elijah at Andrea

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 12, 2023
1 min read

ni Angela Fernando - Trainee @News | December 12, 2023




Sa isang bagong episode ng vlog ni Ogie Diaz nitong Linggo, inispluk nitong naibato raw ni Miles Ocampo ang kanyang cellphone matapos mapanood ang video kung saan nagsubuan sina "Senior High" stars Elijah Canlas at  Andrea Brillantes. 


Sey ni Ogie, hindi lang daw ito basta emeng tsika o sabi-sabi lang ng mga marites, dahil ito ay may katotohanan.


Ang video na tinutukoy ng showbiz columnist ay kung saan nagsusubuan ang dalawa... ng spaghetti.


Kwento pa niya, at ito raw ang 'di niya alam, kung paano nalaman ni Andrea na napanood ni Miles 'yong pagsusubuan nila ni Elijah.


Ito nga raw ang naging ganap, agad daw nag-text itong si Andrea kay Miles, ang sey nito, 'Ate, sorry, nakakahiya sa ganyan pa nakarating sayo ‘yung tungkol sa amin. Sana makausap kita’. At doon na nga raw naibato ni Miles ang kanyang cellphone! Pak!


Matatandaang, bukod sa hiwalayang KathNiel, nakaladkad din ang pangalan ng aktres sa hiwalayan nina Miles at Elijah pagkatapos itong kumpirmahin ng aktor sa isang interview.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page