top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Midterm election, ibasura ang partylist ng mga trapo

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 21, 2024
  • 2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | Pebrero 21, 2024



TAPAT SA TUNGKULIN SI SEN. IMEE, ‘PAG MAY MALING POLISIYA ANG KAPATID NA PRESIDENTE KINOKONTRA NIYA, KAYA DAPAT SIYANG MAG-TOP SA SENATORIAL SURVEY -- Sa mga naglalabasang senatorial survey ay hindi nagta-top si Sen. Imee Marcos, may survey na rank 7 siya, may iba na rank 9 at mayroon ding rank 11 siya.


Sa totoo lang, sa ginagawa ngayon ni Sen. Imee na pagmamalasakit sa mga mamamayan, pagsisiwalat ng mga katiwalian at pagkontra sa mga maling polisiya ng kapatid na si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM), dapat nga ay siya ang nagra-rank number 1 dahil ipinakikita niya sa taumbayan ang kanyang katapatan sa tungkulin, period!


◘◘◘


PARTYLIST NG MGA TRAPO IBASURA SA ELEKSYON -- Next year, May 2025 ay midterm elections na.


Magpokus tayo sa isyung partylist. May mga partylist na kumakatawan sa iba’t ibang sektor, tulad ng sektor ng manggagawa, mangingisda, tsuper, kababaihan, katutubo, kabataan ang muling kakandidato, at siyempre kabilang sa kakandidato ay mga partylist na pag-aari ng mga trapo (traditional politicians) na may political dynasty.


Panawagan natin sa ating mga kababayang botante na sana ang iboto ay iyong mga partylist na nagre-represent sa bawat sektor, at sana, ibasura na nila sa halalan ang partylist ng mga trapo, please lang!


◘◘◘


MGA WORKER NA ‘DI SAKOP NG P100 DAGDAG-SAHOD, TATAMAAN SA PAGTATAAS NG PRESYO NG MGA BILIHIN AT BAYARIN -- Mismong ang Dept. of Labor and Employment (DOLE) na ang nagsabi na walang katuturan ang ipinasang P100 dagdag-suweldo sa mga manggagawa ng mga pabidang senador, kasi tiyak daw na para mapunan ng mga kapitalista ang dagdag-sahod na ito, maoobliga ang mga manufacturer na itaas ang presyo ng kanilang mga produkto at mapipilitan din ang mga may-ari ng mga electric, water, internet at cable company na magtaas ng singil sa kanilang mga konsyumer.


Hay naku, kung ganyan na walang silbi rin ‘yang P100 dagdag-suweldo dahil sa domino effect, huwag na lang ituloy ‘yan, kasi sa totoo lang, ang tatamaan d’yan ay ang mga worker na walang amo kasi hindi sila masasakop ng dagdag-suweldo, period!


◘◘◘


SANA HINDI PRESS RELEASE LANG ANG STATAMENT NG MALACANANG NA TUTULUNGAN ANG MGA MAGSASAKA -- Nagpalabas ng statement ang Malacanang na tutulungan daw ng gobyerno ang mga magsasakang apektado ngayon ng tagtuyot dulot ng El Nino.


Sana totoo ang sinabing ‘yan ng mga taga-Malacanang at hindi press release lang para “pampa-pogi points” kay P-BBM, boom!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page