MICHAEL V., EXCITED NA MAG-JOIN SI VICE SA BUBBLE GANG
ni Ambet Nabus @Let's See | July 3, 2023

Dahil naging mas posible na ang maimbitahan ang mga Kapamilya artists sa mga shows ng Kapuso Network, tila mas may chance nang matupad ang dream ng Bubble Gang na maimbita nila si Vice Ganda.
Sa paglilipat ng araw ng airing ng longest-running comedy show tuwing Linggo, naisip na ng tropa nina Michael V, Direk Frasco Mortiz at iba pa na kuning guest si Meme Vice very soon.
“We are open to that possibility. Nakaka-excite pag-isipan ng concept si Vice. It’s going to be a show,” saad ni Michael V. na content creator din ng palabas.
May mga new addition sa Bubble Gang gaya ni Cheska, habang na-retain pa rin sina Chariz Solomon, Paolo Contis, Betong Sumaya, Buboy Villar at Kokoy de Santos.
Nawala man sina Sef Cadayona, Archie Alemania at Valeen Montenegro, ginagarantiya ng production na makikita pa rin sila as guests soon!
‘Yun na!





Comments