top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Miami Heat nakabawi sa game 3 vs. Lakers

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Oct 6, 2020
  • 1 min read

ni MC - @Sports | October 6, 2020




Nakagawa na paraan ang kulang sa manlalarong Miami Heat upang talunin ang Los Angeles Lakers, 115-104 sa Game 3 ng kanilang NBA Finals para manatiling buhay ang pag-asa sa kampeonato.

Kahit wala ang kanilang dalawang star players, ipinakita ng Heat ang matinding fighting spirits upang gulatin ang tila kalmadong Lakers. Hindi pa rin nakapaglalaro sa Heat ang pambato nitong sina Bam Adebayo na may neck injury at Goran Dragic dahil sa injury sa paa.

Pero nakagawa pa rin ang Heat ng paraan para makuha ang unang panalo sa best-of-seven series sa pangunguna ni Jimmy Butler na kumamada ng 40 points, 13 assists at 11 rebounds.

Sa panig naman ng Lakers, dismayado si LeBron James sa kanilang naging laro dahil marami sa ibinato nila sa ring ay puro pumalya. Kumpiyansa ang Lakers na babawi sila sa Game 4 at pipilitin itong maipanalo upang makapanhik na sa kampeonato.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page