top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Mga zodiac sign na dapat samahan at pampasuwerte ng bebot na ayaw tumandang dalaga

BULGAR
May 2, 2021
4 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| May 02, 2021


Dear Maestro,


Sa ngayon ay 40-anyos na ako at tulad ng ibang sumasangguni sa inyo, pag-ibig din ang problema ko. Wala pa akong boyfriend ngayon kaya natatakot akong tumandang dalaga.


Kaya gusto kong malaman sa pamamagitan ng birthday kong August 28, 1980 kung magkaka-boyfriend pa ba ako, makapag-aasawa at magkakaroon ng simple pero masaya at panghabambuhay na pamilya?

Umaasa,

Lheng ng Balibago, Lobo, Batangas


Dear Lheng,


Oo, makapag-aasawa ka pa dahil bihira naman sa mga Taong Uno tulad mo (dahil ang 28 ay 2+8=10/ 1+0=1) ang hindi nakapag-aasawa, lalo na’t ikaw ay isang matalino at maangas na Virgo.


Ang naging problema lang sa iyo ay ang destiny number mong 9 (8+28+1980=2016/ 20+16=36/ 3+6=9), na masyadong maraming iniisip at pinapangarap. Kung saan kadalasan noon pa ay hindi mo lang namamalayan, pero nakalimutan mo nang isipin at pangarapin na magkaroon ng mapapangasawa at makapagtayo ng isang simple, disente at masayang pamilya.


Gayunman, upang maiwasan ang pagtandang dalaga, mas makabubuting ganito ang gawin mo:

Una, upang mapairal mo ang zodiac sign na Virgo sa halip na ang destiny number na 9, mas makabubuting makipagkaibigan ka sa mga taong isinilang sa zodiac sign na Taurus, Capricorn at kapwa mo Virgo, gayundin sa mga Libra, Pisces at Gemini.


Sa piling kasi ng mga zodiac sign na nabanggit, makadarama ka ng init ng damdamin at kakaibang sigla upang kusang kumilos ang iyong mga paa, at sisigla ang tibok ng iyong puso at sa ganu’ng paraan, mas madali kang makapag-aasawa.


Pangalawa, dapat magsuot ka rin ng gold o silver na singsing na may palamuting batong sapphire upang magsilbing talisman na pang-akit ng suwerte, hindi lang sa pag-aasawa at pag-ibig kundi sa halos lahat ng aspeto ng iyong buhay.


Pero bakit ba kailangan ang singsing o iba pang hiyas sa katawan para magkamit ng suwerte ang isang tao? Hindi nauunawaan ng iba na ang singsing at iba pang hiyas ay maaaring una, simbolikal lang.


Pero sa kabila ng pagiging simbolikal nito, ito rin ang magpapaalala sa iyong isipan at kaluluwa sa tuwing makikita mo itong nakakabit sa iyong daliri, na “susuwertehin ako, kasi suot ko ang mapalad kong alahas,” kumbaga, unconscious mind mo ang nagdidikta kay conscious self na obligado kang suwertehin dahil ikaw ay nagtataglay ng isang makapangyarihang singsing.


Ito rin ang dahilan kaya ang mga madre, pari at obispo ay may singsing, hindi lang dahil “kasal sila kay Jesus”, bagkus, ito ay simbolo ng kabanalan at paglilingkod sa kanilang nasasakupang komunidad.


Ganundin ang singsing ng mga college graduate. Bagama’t college ring lang ‘yun, ito rin ang nagpapaalala sa kanilang unconscious mind na hindi sila dapat pumatol sa mga mas mababa sa kanila, kaya dapat sila ay palaging nagpapasensiya at maging maunawain. At bilang gradweyt sa isang unibersidad, ang singisng ay nagpapahiwatig ding dapat na maging maingat at pino ang pagkatao, dahil nakasalalay din sa iyong propesyon ang imahen ng iyong alma mater.


Samakatuwid, mahalaga talaga ang singsing o anumang simbolo na suot mo sa iyong katawan upang idikta ng iyong unconscious mind sa iyong conscious self na ikaw ay may kapangyarihang tinataglay habang suot o nakadikit sa iyong balat ang nasabing makapangyarihang mga bagay, bukod pa kung ito ay totoong inorasyunan ng isang banal na antingero o tao.


Pangalawa, ang tao ay binubuo ng sangkap na metal, maaaring may iron sa ating katawan, na nasa multivitamins na inyong iniinom. Bukod sa iron, marami pang sangkap na metal o kemikal sa ating katawan. At ang unang prinsipyo upang lumigaya at magkaroon ng kapangyarihan ang isang tao, sa terminong pang-medisina, “upang ang tao ay maging malusog”, kailangang kumpleto siya ng sustansiya sa kanyang katawan. Kung saan, ang singsing na yari sa gold o silver ay may kapangyarihang taglay, psychologically at spiritually, upang makumpleto ang iyong “spiritual self”. Kung saan, kapag complete ang iyong spiritual self, lalakas ang iyong aura at ang maningning mong pagkatao ang kusang aakit at sasagap ng suwerte at magandang kapalaran.


Sa dagdag pang paglilinaw, hindi ba may multivitamin na komersyal kung saan ang pangunahing linya ay “complete”? Dahil maraming gawain ang isang nilalang, kailangang palaging “complete” ang kanyang pisikal na kalagayan.


Kung ang pisikal na katawan ay kailangang laging complete, tulad ng nasabi na, ang spiritual self ay dapat ding laging “complete”. At ang multivitamin sa spiritual self na dapat n’yong taglayin bukod sa pagsusuot ng suwerteng metal, hiyas o bato at marami pang iba, na ituturo natin sa susunod na mga araw, upang tulad ng naipaliwanag na, ang multivitamins ay nagpapalakas ng katawan at nagpapalaki ng mga muscle, lalo na kung sasabayan ng exercise. Gayundin, ang mga ituturo ko sa inyo ay magpapalakas naman ng ningning ng inyong inner self upang hindi lang kalusugan ang maging complete kundi pati na rin ang magandang kapalaran at pagkatao mong ispiritual.


Kapag “complete” ang pisikal na katawan dahil sa multivitamins at exercise, gayundin ang spiritual life sa mga pamamaraang ituturo ko sa inyo, du’n lamang mabubuo ang matagumpay at maligayang indibidwal.


Habang, ayon sa iyong Love Calendar, Lheng, sundin mo lang ang mga inilahad na sa itaas para makapag-asawa ka. Sa taong 2022 at edad mong 42, sa buwan ng Mayo o Oktubre, makapag-aasawa ka na at tuluyang magkakaroon ng isang masaya at panghabambuhay na pamilya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page