top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mga umu-order pero nanloloko lang online, sampolan!!!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 21, 2020
1 min read

@Editorial | December 21, 2020



Dumarami na ang bilang ng mga biktima ng mga prank deliveries.


Ito ‘yung estilo na o-order online ng iba’t ibang pagkain o item, gamit ang personal identity ng mga inosenteng sibilyan. Ang ending, ang mga nagde-deliver ang kawawa dahil wala pa lang tatanggap ng produkto at sila ang mag-aabono.


Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) makikipag-ugnayan sila sa National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police Cybercrime Group upang hulihin ang tinatawag na mga “prankters” online.


Naglabas na umano ng kautusan sa DTI’s Consumer Protection Group na tingnan at imbestigahan ang nasabing reklamo at target na matunton ang lokasyon ng mga pasaway.


Kaugnay nito, iniisip ng gobyerno na maaaring ito na ang tamang panahon para ipatupad ang SIM (subscriber identification module) registration system upang mapadali ang pag-track ng mga pranksters.


Nakapanlulumo na sa kabila ng mga dinaranas na pagsubok mula sa mga kalamidad hanggang sa pandemya, eh, may mga taong walang magawa sa buhay at pamemerhuwisyo ang inaatupag.


Kaya panawagan sa mga opisyal, gawan na ng paraan ang ganitong problema. Lalo’t online na ang takbuhan ng marami sa ating mga kababayan para makaiwas sa banta ng COVID-19 at iba pang karamdaman. Bukod pa na marami sa mga nawalan ng trabaho ay sa pagde-deliver na rin pumasok.


Kumbaga, marami ang umaasa sa online transanctions, kung ganitong may mga walang konsensiya na trip ang manloko ng kapwa, dapat nang umaksiyon ang mga kinauukulan. Magtakda na ng mas mabigat na parusa sa mga pranksters na ‘to nang hindi na umulit o pamarisan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page