top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Mga tutol sa pagmamahalan, wa' magagawa dahil mag-dyowang single mom at binata, compatible

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 8, 2024
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Kapalaran Ayon sa Inyong Numero | January 8, 2024


Dear Maestro,


May girlfriend akong single mom na may dalawang anak sa una niyang asawang Hapon, pero divorced na sila ngayon. Gusto kong malaman kung mapapangasawa ko ba siya kahit tutol ang mga magulang ko sa kanya? Gayundin, compatible ba kami at kami na ba ang magkakatuluyan at magsasama habambuhay? Sa totoo lang, mahal na mahal ko siya. August 14, 1998 ang birthday ko at December 17, 1997 naman ang girlfriend ko.


Umaasa,

James David ng Bilaran, Nasugbu, Batangas


Dear James David,


Ang zodiac sign mong Leo at Sagittarius naman ang girlfriend mo ay nagsasabing compatible ang inyong zodiac signs. Ito ay dahil ang Leo at Sagittarius ay kapwa nagtataglay ng elementong fire o apoy, kung saan tulad ng nasabi na, dahil kapwa kayo pinaghaharian ng nasabing elemento, sa aspetong Astrology, tunay na compatible kayong dalawa.


Dagdag pa rito, bukod sa compatible kayo ng girlfriend mo sa Astrology o zodiac sign, na nagkataong sa aspeto namang Numerology, ang birth date mong 5 ay tugma rin sa birth date na 17 o 8 (ang 17 ay 1+7=8) ng girlfriend mo, kung saan madaming isinilang sa mga petsang 5, 14 at 23 ay napapangasawa silang isinilang sa petsang 8, 17 at 26.


Ibig sabihin, magkaroon man ng maraming hadlang ang relasyon n’yo at sabihin na nating kahit tutol pa sa pagmamahalan n’yo ang inyong mga magulang, sa bandang huli ay walang magagawa ang mga kontrabida sa inyong pag-iibigan dahil kayo pa rin ang nakatakdang magkatuluyan.


Ayon sa iyong Love Calendar, hindi na maiiwasan pa ang magaganap sa last quarter ng taong kasalukuyan 2024 sa edad mong 26 pataas at 27 naman ang girlfriend mo, dahil compatible kayo at ito ay sadyang magiging maunlad, masagana at maaari ring magkaroon ng maraming salapi hanggang sa yumaman habambuhay.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page