Search
  • BULGAR

Mga turista, posibleng papasukin na sa bansa – DoT

ni Lolet Abania | June 27, 2020




Inihayag ng Department of Tourism (DoT) na posible nang payagan ang pagpasok ng mga turista sa ating bansa sa mga lugar na wala o mababa ang kaso ng coronavirus o covid-19.


Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ito ang nakikita nilang solusyon sa krisis na nararanasan ng ahensiya na tinawag nilang travel bubbles o travel corridors.

Gayundin, makikipag-ugnayan ang DOT sa mga bansa na mayroong mababa o “zero” case ng coronavirus upang hikayatin na maaari na nilang puntahan ang Boracay, Bohol at ilan pang tourist destinations.


Kasunod ito ng pagpayag ng gobyerno sa tourism activities na may 50 porsiyento ng kapasidad lamang sa ilalim ng mga lugar na modified general community quarantine.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.