top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Mga tsuper at operator na bumoto kay P-BBM, akala poprotektahan, aalisan pala ng hanapbuhay, saklap!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 15, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez @Prangkahan | December 15, 2023


ANG SURVEY NG OCTA NA MOST TRUSTED AND TOP PERFORMING AGENCY ANG DEPED INDIKASYONG MALAKI PA RIN ANG TIWALA NG MAMAMAYAN KAY VP SARA -- Kung pagbabasehan ang inilabas na survey ng OCTA Research Group na ang DepEd na pinamumunuan ni Vice Pres. Sara Duterte-Carpio ang nakakuha ng mataas na grado bilang “Most Trusted and Top Performing Government Agency”, masasabing bigo ang mga anti-Duterte politicians na ibagsak ang political career ng anak ni ex-P-Duterte.

 

Ang mataas na gradong ito na ibinigay ng mamamayan sa DepEd, base sa survey ng OCTA, ay sumasalamin na malaki pa rin ang tiwala ng taumbayan kay VP Sara, kasi nga ang head ng DepEd ay mismong si VP Sara, period!

◘◘◘

 

MALI ANG AKALA NG MGA TSUPER AT OPERATOR NG TRADITIONAL JEEPNEY AT UV EXPRESS NA PROTEKTADO ANG HANAPBUHAY NILA SA MARCOS ADMIN -- Nagpalabas ng statement si Pres. Bongbong Marcos (P-BBM) na wala ng extension ang Public Utility Vehicle (PUV) modernization program, na ibig sabihin hanggang Dec. 31, 2023 ang deadline sa mga tsuper at operators ng mga jeepney at UV express para sila ay pumaloob dito, at ang sinumang hindi makikiisa ay hindi na papayagang bumiyahe sa kalsada pagsapit ng Jan. 1, 2024 o pagpasok ng Bagong Taon.

 

Masakit para sa mga tsuper at operator ng jeep at UV expressway na bumoto kay President Bongbong ang naging desisyon nito, kasi akala nila ay magiging protektado ang kanilang hanapbuhay kapag si P-BBM ang naging presidente, dahil ngayon lang nila napagtanto na ang ibinoto nila ay iyon pa pala ang mag-aalis sa kanilang hanapbuhay, tsk!

◘◘◘

 

MADALING UNAWAIN ANG HINAING NG MGA TSUPER AT OPERATOR, AYAW LANG SILANG INTINDIHIN NG MARCOS ADMIN -- Ayaw ng mga transport group na PISTON at MANIBELA ang PUV modernization dahil sa programang ito ay inoobliga sila ng pamahalaan na sumapi sa mga kooperatiba o korporasyon para maging moderno ang kanilang mga traditional jeepney at UV express, pero ang problema nga nila, kapag pumaloob sila rito ay parang ang mga kooperatiba at korporasyon na lang ang kanilang bubuhayin dahil tiyak daw na hindi sila kikita rito na makakaapekto sa pamumuhay ng kanilang mga pamilya.

 

Sa totoo lang, madali namang intindihin ang hinaing na ito ng mga tsuper at operator ng jeep at UV express, ang problema nga lang, ayaw silang intindihin ng Marcos administration, period!

◘◘◘

 

SHOCKING ANG P1M MONTHLY SUWELDO NI JAY SONZA SA SMNI KASI IBIG SABIHIN HINDI PA SIYA LAOS -- Marami ang na-shock sa sinabi ni former broadcast-journalist Jay Sonza na sumusuweldo siya ng P1 million per month bilang consultant sa SMNI network na pag-aari ng sekta ni Pastor Apollo Quiboloy. 

 

Akala kasi ng publiko ay laos na siyang broadcast-journalist, ‘yun pala ay hindi pa dahil para sa SMNI ay sikat pa rin siya kaya sinusuwelduhan siya ng P1M kada buwan, boom!

 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page