top of page
Search
  • BULGAR

Mga tren, malaking tulong kontra trapik

@Editorial | January 20, 2021



Sa gitna ng ipinatutupad ng community quarantine kaugnay ng COVID-19 pandemic, kapansin-pansing tila bumalik na sa dati ang sitwasyon ng trapiko.


Kaugnay nito, patuloy namang sinisikap na mabigyan ng pangmatagalang solusyon ang malalang trapik.


Tulad ng sistema sa mass transportation, kung saan ayon sa pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3, sa ngayon ay nakapag-deploy na sila ng 23 train sets.


Matatandaang noong Disyembre ay itinaas din sa 60 kilometers per hour ang bilis ng mga tren nito. Bilang resulta ng tumaas na bilang ng tren at pinabilis na takbo, nadagdagan ang bilang ng pasaherong nakakasakay habang bumaba naman ang travel time.


Samantala, tuluy-tuloy din ang konstruksiyon ng LRT-1 Cavite Extension Project, kung saan nasa 50.61 porsiyento na umano ang overall progress rate sa naturang proyekto hanggang nitong Disyembre 31, 2020.


Napakalaking tulong talaga ng mass transportation sa publiko. Pinagagaan nito ang araw-araw na biyahe ng mga manggagawa at kasunod siyempre nito ang maayos na daloy ng trabaho at negosyo.


Kailangan lang matutukan ang maintenance service, kasabay pa rin ang pagpapatupad ng health protocols laban sa COVID-19.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page