top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Mga trapong may confi funds at pork barrel, sarap-buhay; Ordinaryong Pinoy, poor pa rin!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 14, 2023
2 min read

ni Pablo Hernandez III @Prangkahan | March 14, 2023



SA PANAHON NI EX-P-DUTERTE, PATI MGA BATA AY NAKARANAS NG HIRAP KAYA SA MURANG EDAD AY NAGTRABAHO NA—Sa datos ng International Labor Organization (ILO), noong 2021 ay pumalo sa 2.97 million ang naitalang child labor sa Pilipinas. Ibig sabihin, ‘yung mga bata na edad 5 hanggang 17 ay naobligang magtrabaho sa bukid, industrial, pagtitinda at pamamalimos dulot ng kahirapan sa buhay.


Ang presidente noong 2021 ay si ex-P-Duterte, ibig sabihin, sa ilalim ng kanyang administrasyon ay mas lumaganap ang kahirapan, kaya pati ang mga nasa murang edad ay naobligang magbanat ng buto para may makain at mabuhay. Tsk!


◘◘◘


48% PINOY NA NAGHIHIRAP, UMAASANG GIGINHAWA ANG BUHAY BAGO MATAPOS ANG 2023—Sa survey ng Social Weather Station (SWS), 48% ng mga Pilipino ang naniniwalang pagsapit ng Disyembre 2023 ay gaganda na ang kanilang pamumuhay.


Kung pakaiintindihin ang survey na ‘yan, lumalabas na 48% ng Pinoy ang nakakaranas ng hirap sa buhay, kaya umaasa sila na bago matapos ang taon ay gaganda na ang kanilang pamumuhay. Boom!


◘◘◘


KUNG WALANG CONFIDENTIAL FUNDS AT PORK BARREL, WALA SANANG MAHIRAP NA PINOY—Hindi sana nakakaranas ng kahirapan ang mga Pinoy kung walang confidential funds at pork barrel ang mga traditional politicians o trapo.


Kada taon kasi, ang halos 1/4 ng national budget ay napupunta sa confidential funds at pork barrel ng mga ito, kaya kung titingnan ang mga pulitiko, lalo na ‘yung nasa political dynasty ay marangya ang pamumuhay, habang sa kabilang banda, ‘yung mahihirap na Pinoy ay lalong naghihirap, period!


◘◘◘


DAMING MAY PUWESTO SA GOV’T NA SUWAPANG SA KUWARTA KAYA NAGING THIRD WORLD COUNTRY ANG ‘PINAS—Sa totoo lang, hindi naman mahirap ang Pilipinas, nagkataon lang talaga na maraming nakaupo sa pamahalaan na suwapang sa kuwarta.


Bukod kasi sa confidential funds at pork barrel ng mga trapo, talamak din ang korupsyon sa iba’t ibang sangay ng pamahalaan.


Ngayon, dapat pa bang i-memorize kung bakit third world country o isa sa pinakamahirap na bansa ang Pilipinas?


Tsk!


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page