Mga trapong mamimili ng boto, target ng NPA
ni Pablo Hernandez III - @Prangkahan | March 27, 2022
ONLINE SABONG STOP KAPAG NAGING PRESIDENTE SI VP LENI – Muling inulit ni presidential candidate, Vice Pres. Leni Robredo ang pagtutol niya sa online sabong, at ayon sa kanya ay dapat suspendihin na ito ng pamahalaan dahil maraming buhay daw ang nasisira sa ganitong uri ng sugal.
Sa totoo lang, mukhang nagdedelikado ang negosyo ng mga online sabong operators kasi kapag si Leni ang naging presidente, stop na ang "talpakan na" sa online sabong, ha-ha-ha.
◘◘◘
MGA CORRUPT NA PULITIKO TODO-LABAS NG PERA PARA MAMILI NA NG BOTO – Nag-start na ang campaign period sa mga kandidato sa local positions, at dahil d'yan sabay na sila sa kampanya ng mga kandidato sa national positions.
Todo-kampanya na ngayon ang lahat ng mga kandidato sa halalan sa May 9, 2022.
At asahan na rin, na dahil todo-kampanya na sila, ang mga corrupt na pulitiko ay todo-labas na rin ng pera para pambili ng boto, boom!
◘◘◘
MGA TRAPO NA MAMIMILI NG BOTO TATARGETIN DAW NG NPA – Nagbanta si Communist Party of the Philippines (CPP) information officer, Mario Valuena na tatargetin ng kanilang armed wing na New People's Army (NPA) ang mga trapo (traditional politician) na mamimili ng boto.
Kaya panawagan sa mga trapo na mamimili ng boto, tantanan n'yo na ang pamimili ng boto kung ayaw ma-target ng NPA, period!
◘◘◘
SOBRANG BAD NG ILANG NETIZENS KASI PATI PAGDARASAL PINAGTATAWANAN SA SOCIAL MEDIA – Nag-alay ng dasal si presidential candidate, Sen. Manny Pacquiao upang manalangin sa Panginoon na humupa na ang pag-aalburuto na naman ng Bulkang Taal.
Ang masaklap, imbes makidasal ang ilan sa mga netizens, ay ginawa pang katatawanan ang pagdarasal ni Pacman kasi nag-ha-ha reactions sila sa dasal ni Pacquiao.
Ganyan ka-bad ang asal ng ilang netizens, tsk!





Comments